PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ian, Matet spark reconciliation buzz after latest Facebook posts

Ian de Leon tags Matet in post; Matet posts family photo.
by Jojo Gabinete
Published 9 hours ago
ian de leon matet de leon reconciliation
Ian de Leon sparks speculation that his rift with sister Matet de Leon may finally be easing after sharing a Facebook post thanking her for a "wonderful conversation." Matet also recently posted a throwback photo with Ian, Lotlot, and their late mother, Nora Aunor, giving fans hope that reconciliation may be possible.
PHOTO/S: Facebook

Nagkaayos na ba ang magkapatid na sina Ian at Matet de Leon?

Natuwa at nabuhayan ng pag-asa ang mga tagahanga ni Nora Aunor, pati na ang mga sumusubaybay sa kuwento ng hidwaan ng kanyang mga naulilang anak, dahil sa Facebook post ni Ian ngayong Martes, Hunyo 30, 2026.

Mensahe niya, “Thank you so much for the wonderful conversation! God bless us and our family!”

Naka-tag sa social media post ni Ian ang kanyang nakababatang kapatid na si Matet.

Pahiwatig itong nagkaroon na sila ng komunikasyon.

ian de leon post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa nagbibigay si Matet ng pahayag tungkol sa social media post ni Ian.

Pero ibinahagi niya sa kanyang Facebook page noong Lunes, Hunyo 29, ang lumang larawan nila nina Lotlot at Ian, kasama ang kanilang pumanaw na ina.

“We miss you ma” na may smiling at heart emoji ang caption ni Matet sa larawan nila.

matet de leon post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa ang mga nagmamalasakit sa magkakapatid na ang mga Facebook post nina Ian at Matet ang simula ng kanilang pagkakasundo matapos ang iringan nilang lumala, ilang buwan matapos sumakabilang-buhay si Nora noong Abril 16, 2025.

Read: Ian de Leon: "Each family has its own issues."

IAN DE LEON VS. HIS SIBLINGS

Nakumpirmang may hidwaan ang mga anak ni Nora nang sumambulat ang galit ni Lotlot de Leon kay Ian sa story conference ng pelikulang 40 Days ng LVD Productions noong Hunyo 19, 2026.

Hindi nagustuhan ni Lotlot ang mga pahayag ni Ian sa Fast Talk With Boy Abunda tungkol sa Nora Aunor Foundation na itinatag ng kanyang kapatid.

Read: Lotlot breaks down in tears over Ian feud: "He can have it all!"

Dahil sa paglalabas ni Lotlot ng sama ng loob tungkol sa usapin ng mana, marami ang nagkaroon ng interes na panoorin sa YouTube ang panayam ni Boy Abunda kay Ian na meron nang isang milyon na views sa kasalukuyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaagad namang nag-react si Ian sa pamamagitan ng Facebook.

Read: Ian de Leon responds to sister Lotlot's tirades against him

Makalipas ang ilang araw ay si Matet naman ang naglabas ng saloobin sa pamamagitan din ng social media.

Read: Matet blasts bashers, challenges Ian to tell the whole story

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ian de Leon sparks speculation that his rift with sister Matet de Leon may finally be easing after sharing a Facebook post thanking her for a "wonderful conversation." Matet also recently posted a throwback photo with Ian, Lotlot, and their late mother, Nora Aunor, giving fans hope that reconciliation may be possible.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results