Ang 47-year-old Japanese singer-actress na si Emi Aramaki ang babaeng pinakasalan ng Taiwanese singer at F4 member na si Vanness Wu, 47.
Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Las Vegas, Nevada, USA, noong Mayo 2026.
Pribadong-pribado ang relasyon at pag-iisang dibdib ng dalawa.
Pero nalaman ng publiko na muling nagpakasal si Vanness dahil sa isiniwalat nito matapos ang matagumpay na F Forever concert nila nina Jerry Yan, Vic Chou, at Ashin sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, noong Hunyo 27, 2026.
Noong Lunes, Hunyo 29, sa pamamagitan ng isang cryptic Instagram post na may larawan ng dalawang kamay na magkahawak, kinumpirma ni Vanness na nagpakasal siya sa pangalawang pagkakataon.
Pero hindi niya binanggit ang pangalan ng kanyang asawa.
Mensahe ni Vanness: “Every good thing comes from above. 2026 has been filled with so many blessings.
"Being able to tour again with the boys, being able to do what I love on stage and perform for you all... and now being blessed with the most important person in my life.”
Read: F4 star Vanness Wu announces he's now married
View this post on Instagram
THE WOMAN VANNESS WU MARRIED
Kinabukasan, Hunyo 30, ibinalita ng ET Today Taiwan na si Emi Aramaki ang babaeng pinakasalan ni Vanness.
Naglabas din ng kumpirmasyon ang B’in Music, ang music label ni Vanness, na si Emi ang napangasawa ng popular Taiwanese singer.
Biglang nagkaroon ng interes ang mga tagahanga ni Vanness kay Emi kaya nagsaliksik sila.
Nalaman nilang magkasing-edad ang dalawa.
Isinilang ang Japanese singer-actress sa Fukuoka, Japan.
Lumaki at nagtapos siya ng pag-aaral sa London bago nag-umpisa ang kanyang entertainment career.
Ang unang single ni Emi ay ang "Lonely Night" na lumabas noong Hulyo 2021. Nasundan ito ng "Night Ride."
Read: Jerry Yan speaks of a love now a memory; fans think of Barbie Hsu
EMI ARAMAKI'S INSTAGRAM
Sa kasalukuyan, 13,200 ang bilang ng Instagram followers ni Emi at na inaasahang madadagdagan dahil sa rebelasyon na siya ang bagong asawa ni Vanness.
Walang anumang social post si Emi tungkol sa kanila ni Wu dahil mga larawan lamang niya ang makikita sa kanyang Instagram account.

Nasorpresa ang mga tagahanga ni Vanness sa ipinagtapat nito tungkol sa pangalawang beses na pagpapakasal.
Wala kasi silang alam tungkol sa mga nangyayari sa personal na buhay niya mula nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ang Singaporean socialite at fashion entrepreneur na si Arissa Cheo.

Dalawang beses nanagpakasal sina Vanness at Arissa.
Una sa Newport, California, noong Nobyembre 2013, at sa Singapore noong Enero 2014.
Nagwakas ang kanilang relasyon noong 2018 at na-finalize ang diborsyo nila noong Pebrero 2019.