PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaime Yllana reacts to dad Anjo's court loss to TVJ Productions

Jaime Yllana on Eat Bulaga! family: "Wala po akong galit sa kanila."
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
jaime yllana dad anjo
Jaime Yllana court ruling against his father Anjo Yllana: “Alam naman ng media na artista ang tatay ko at, opo, artista na rin ako kaya siyempre maaapektuhan ako. When it comes to work and the media, people will associate me with my father, kasi parehas kaming Yllana. Walang takas dun. Ang nakakalungkot lang po, iisipin ng mga tao na parehas ang mga opinion namin o suportado ko ang mga sinasabi niya, lalo na kapag tungkol sa pulitika.”
PHOTO/S: Facebook

Ikinalungkot ni Jaime Yllana ang desisyon ng Branch 279 ng Mandaluyong City Regional Trial Court petition for permanent injuction na isinampa ng TVJ Productions, Inc. laban sa kanyang ama na si Anjo Yllana.

Si Jaime ang nag-iisang anak na lalaki ni Anjo sa kanyang dating asawa na si Jacqui Manzano.

Ipinakilala siya noong Abril 2026 bilang isa sa Next Gen Stars ng Viva Artists Agency at napapanood sa Viva One series na My Husband is a Mafia Boss.

Ang TVJ Productions nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang producer ng noontime show na Eat Bulaga!. na napapanood sa TV5.

Naghain ng kaso ang TVJ Productions laban kay Anjo dahil sa mga mapanirang-puring pahayag nito tungkol sa mga host ng noontime variety show na dating kinabibilangan niya.

Pinanigan ng korte ang TVJ Productions.

Dahil dito, pinagbabayad ng korte si Anjo ng kabuuang PHP3.5 million para sa damages (temporate, moral, at exemplary) at attorney’s fees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagbabawalan din siyang magsalita sa social media platforms tungkol sa mga dating kasamahan sa Eat Bulaga!.

Read: Court orders Anjo Yllana to pay TVJ Productions PHP3.5M

JAIME YLLANA REACTS TO COURT DECISION IN DAD ANJO'S CASE

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files, binanggit ni Jaime ang posibilidad na makaapekto sa kanya ang isyung kinasasangkutan ng tatay niya.

Saad ng 21-year-old newbie actor: “Respectfully, aware naman ako sa mga nangyayari regarding my father.

"At alam naman ng media na artista ang tatay ko at, opo, artista na rin ako kaya siyempre maaapektuhan ako.

“When it comes to work and the media, people will associate me with my father, kasi parehas kaming Yllana. Walang takas dun.

“Ang nakakalungkot lang po, iisipin ng mga tao na parehas ang mga opinion namin o suportado ko ang mga sinasabi niya, lalo na kapag tungkol sa pulitika.”

Nilinaw ni Jaime ang mga maling akala ng ibang mga tao tungkol sa kanyang pananaw sa kaso ng tatay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s very far from the truth. We’re two different people and we’re allowed to have different takes when it comes to discussions.

“Parehas na kaming nasa hustong gulang at parehas rin po kaming may iba’t ibang ginagawa sa buhay.

“Kung may mali man siyang nagawa, gagabayan ko na lamang siya bilang anak para maiwasan naming dalawa na masaktan pa lalo ang pangalan namin.

“Napakaimportante nun dahil bago pa lang ako sa show business. I need to make a name for myself.

"Eventually, gusto kong makilala ako ng madla bilang mabuting tao sa kapwa, hindi lamang sa tatay ko, pero sa lahat," pahayag ni Jaime.

Read: Jaime Yllana, nag-apologize sa mga birada ng amang si Anjo

JAIME YLLANA ON EAT BULAGA! FAMILY

Sinabi rin ni Jaime na wala siyang kinalaman sa alitan sa pagitan ng kanyang ama at mga dati nitong kasamahan sa Eat Bulaga!.

Sa kabila ng mga pangyayari, hindi raw nawawala ang respeto niya sa mga bumubuo ng noontime show na dating kinabibilangan ni Anjo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Jaime: "Personally naman, kung anuman ang mga nangyayari between them, labas na po ako dun.

"Itinuturing ko po bilang tito at tita ang mga nasa Eat Bulaga!.

"Bata pa lang po ako, sila ang nag-aalaga sa akin sa set kaya malaking impluwensiya po sila sa pagkatao ko ngayon.

“Ang ibig kong sabihin, wala po akong galit sa kanila. I treat them like family, no different from my father.

“If I were to be able to work with them one day it would truly be a full-circle moment.”

Bilang talent ng Viva Artists Agency ay malaki ang posibilidad na makapag-guest si Jaime sa Eat Bulaga!.

Read: Jaime Yllana, walang bad blood sa Eat Bulaga! hosts

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaime Yllana court ruling against his father Anjo Yllana: “Alam naman ng media na artista ang tatay ko at, opo, artista na rin ako kaya siyempre maaapektuhan ako. When it comes to work and the media, people will associate me with my father, kasi parehas kaming Yllana. Walang takas dun. Ang nakakalungkot lang po, iisipin ng mga tao na parehas ang mga opinion namin o suportado ko ang mga sinasabi niya, lalo na kapag tungkol sa pulitika.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results