Kahit inilihim ang hotel na tinutuluyan ng Thailand-based American-Japanese actor na si Luke Ishikawa Plowden, natunton pa rin ng kanyang Filipino fans ang hotel sa Pasay City na kinaroroonan niya.
Nakaabang at nakabantay ang Filipino fans sa lobby ng Lanson Place dahil umasa silang makikita nang personal ang aktor.
Sinabi ng security guard ng hotel na Martes ng tanghali, Hunyo 30, nang dumating ang Pinoy fans.
Tumambay raw ang mga ito sa lobby at naghintay kay Luke.
Ito ay kahit alam nilang gabi pa magaganap ang fashion show para sa Rokid AI Neo Fashion Glasses.
Si House of Yugen founder at CEO Josh Yugen ang nag-imbita kay Luke para magkaroon ito ng partisipasyon sa opisyal na paglulunsad sa Pilipinas ng Rokid AI Neo Fashion Glasses.

Nabigyan ng pagkakataon ang fans ni Luke na makalapit sa kanya at makapagpakuha ng litrato bago nagsimula ang fashion show.
Read: Luke Plowden arrives in PH, hopes to land local acting projects
LUKE'S UNFORGETTABLE MOMENTS IN THE PHILIPPINES
Ayon kay Luke, ang kauna-unahang pagkakataong pagbisita niya sa Pilipinas para sa product launch at ang pagpunta niya sa Baseco, Tondo, Manila, para sa charity event ng Philippine National Red Cross ang mga itinuturing niyang hindi makalilimutang karanasan.
“I gotta say one of the best experiences, I’m only in the Philippines for two days but it’s one of the best experiences in my life,” pahayag ni Luke sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media, ilang minuto bago nagsimula ang fashion show.
Kuwento pa niya: “We went to Tondo area and we met so many wonderful kids there. It was all smiles, it’s around 150 wonderful smiling kids.
“I sang some songs for them and they’re a little shy so I sat down and got to talk. I let them come to me and ask questions. They were really curious. It’s so cute.
“Wonderful, wonderful experience and then we got to hand out Jollibee meals.”
Lubos ang pasasalamat ni Luke sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.
“I can’t say enough," sambit niya.
"I mean, I’m ready to receive the love and to give love as much as I can, come back as much possible, enjoy the country, enjoy the people.
"So, thank you so much for all the support and love.”

Nang matapos ang fashion show at sandaling pakikihalubilo sa kanyang mga tagahanga, umalis agad si Luke papunta sa Ninoy Aquino International Airport para sa flight niya pabalik sa Thailand.
Nakilala si Luke sa Pilipinas dahil sa pinagbidahan niyang Thai series, ang My Dear Donovan, na napanood sa GMA 7 noong Mayo 2023.

Read: Vanness Wu's mystery wife revealed as Japanese singer Emi Aramaki