PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas, Rosanna Roces finally end 25-year feud

Ai-Ai delas Alas on Rosanna Roces reunion: "Na-miss ko siya."
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
ai-ai delas alas rosanna roces reconciliation
Ai-Ai delas Alas shares how she and Rosanna Roces laughed nonstop during their reunion, marking the end of one of local showbiz's longest-running feuds: "Sa totoo lang, simula nang pumasok siya sa tent ko hanggang sa lumabas siya, tawa lang kami nang tawa.”
PHOTO/S: Facebook

Makalipas ang dalawampu’t limang (25) taong malalim na hidwaan, nagkasundo na sa wakas sina Ai-Ai delas Alas at Rosanna Roces.

Naganap ang kanilang pagkakasundo nang magkita sila sa taping ng My Bespren Emman noong Miyerkules, Hulyo 1, 2026.

Parehong miyembro ng cast ang dalawang aktres sa teleserye ng TV5 pero hindi sila nagkikita nang personal.

Hanggang mangyari ang taping nila para sa My Bespren Emman kahapon.

“Pinuntahan niya ako sa tent ko,” umpisang kuwento ni Ai-Ai sa Cabinet Files tungkol sa hindi inaasahang pagkakabati nila ni Rosanna.

AI-AI AND ROSANNA: FROM FRIENDS TO ENEMIES

Naging malapit na magkaibigan ang dalawa nang magkasama sila sa 1 For 3, ang sitcom na pinagbidahan nila, kasama si Vic Sotto, na umere GMA-7 mula Abril 1997 hanggang Hunyo 2001.

rosanna roces ai-ai delas alas 1 for 3
Rosanna Roces and Ai-Ai delas Alas in 1 For 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagkaroon ng malaking lamat ang kanilang pagkakaibigan dahil nasaktan daw nang husto si Ai-Ai sa mabigat na paratang noon ni Rosanna laban sa kanya.

Pagpapatuloy na lahad ni Ai-Ai tungkol kay Rosanna: “Nagsimula ang taping ko for Bespren Emman noong December 2025.

"At pumasok ang karakter niya nitong 2026, pero hindi kami nagkakatagpo.

"Palaging tapos na ang mga eksena niya kapag dumarating ako or wala siyang eksena kapag may call ako.

“Ang alam ko, siya dapat ang gaganap na kapatid ko, pero masyado siyang mestiza kaya si Carmi Martin ang gumanap na kapatid ko."

Ibinahagi ni Ai-Ai ang mga eksena nang puntahan siya ni Rosanna sa tent.

“Nagyakapan kami nang pumasok siya sa tent ko tapos nagkuwentuhan na kami tungkol sa lovelife, buhay at mga anak namin.

“Pinag-usapan din namin ang baboy na alaga niya, si Hebron, at ang pet dog ko na si Sailor.

"Tawanan lang kami nang tawanan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Ai-Ai: “Na-miss ko siya. Sa totoo lang, simula nang pumasok siya sa tent ko hanggang sa lumabas siya, tawa lang kami nang tawa.”

Read: WHAT PEP KNOWS: The UP CMC Foundation and The Missing Millions

THE FALLING OUT

Sa panayam ni Rosanna sa vlog ni Aiko Melendez noong April 24, 2024 ay inamin nitong pinanghihinayangan niya ang nasirang pagkakaibigan nila ni Ai-Ai.

“Kasi yung pinagsamahan namin noon, totoo, e. Sobrang saya, sobrang nakakatawa,” pakli ni Rosanna.

Ibinahagi rin niya kung paano nagsimula ang pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Ai-Ai.

Lahad ni Rosanna: “Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan. Kalakasan naming mag-show noon.

“Before yung show namin, nag-show siya with Ara Mina. So, nag-flop yun nang husto.

“So, ang ginawa ng producer ko—na hindi ko naman alam—tinanggal siya [Ai-Ai] sa poster. So, nung nakita niya siguro, sumama yung loob niya.”

Sa araw ng concert nila, nagbago raw ang pakikitungo ni Ai-Ai kay Rosanna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pag-alala ni Rosanna: “Nag-decide siya na huwag magbihis nang normal naming ginagawa.

"Tapos, hindi siya dumidikit sa akin. Doon siya sa dalawa kong back-up singer dumidikit.

“Parang, ‘Ano ito? Bakit ganito?’ So, sabi ko, ‘Itatawid ko ito kasi show ito, e. nagbayad ang mga tao.’

"After noon, yun na."

Dahil dito, ginantihan ni Rosanna ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Ai-Ai noong gabing iyon.

"Tinanggalan ko siya ng security that night, kasi ako yung kumuha sa kanya, e.

"This time, dinadahilan na niya si Kuya Boy [Abunda, Ai-Ai's former talent manager], ganun-ganun, which is tama lang na gawin niya sa akin.

“So, ako naman, tinanggalan ko siya ng security. Pero niraos ko yung show.

"Pero sabi ko, ‘This is it. Last na ito.’ Pinunit ko pa yung repertoire.”

Sabi pa ni Rosanna: “Bakit ganon yung nangyayari? Bakit ganito yung nangyayari?

"Siyempre, ang may kagagawan naman noon, yung producer. Hindi naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana hindi nadamay yung show natin.

“Ang dami pa sana naming gagawin. Na-halt yon lahat.

“Yun na. Nasira na yung samahan namin sa sobrang naging personal na.

"Pero hindi na kami nagsiraan nang grabe, yung ganon."

Sa parehong interview, inihayag ni Rosanna ang pagnanais niyang magkaayos sila ni Ai-Ai.

Aniya: “Wala namang hindi naaayos pag tumagal na, e, di ba? Time heals all wounds nga. So, pupunta rin tayo diyan.

“Ang wish ko nga sana makapag-show kaming dalawa ulit. Yung ginagawa namin dati. Same group...”

At kung tutuusin naman daw ay mas marami ang magagandang pinagsamahan nila ni Ai-Ai.

“Ganoon ako kasi. Ngayon siguro magagalit ako, pero pag inuupuan ko na yun, iniisip ko, ‘Bakit ganon, e, mas marami ang maganda naming pinagsamahan? Isa lang itong nangyaring ganito.'"

Asam pa ni Rosanna: “Hoping ako na maayos namin lahat.

"Willing naman akong puntahan siya kahit saan. Pero siyempre, pagka-ready na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero wala na akong sama ng loob or anything like that.”

At makalipas ang dalawang taon ay nangyari na ang inaasam ni Rosanna na pagkakaayos nila ni Ai-Ai.

Additional text by Bernie Franco

Read: Rosanna Roces hopes to end longstanding rift with Ai-Ai delas Alas

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas shares how she and Rosanna Roces laughed nonstop during their reunion, marking the end of one of local showbiz's longest-running feuds: "Sa totoo lang, simula nang pumasok siya sa tent ko hanggang sa lumabas siya, tawa lang kami nang tawa.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results