Sampung taon nang walang komunikasyon ang dating aktres na si Raven Villanueva sa kanyang panganay na anak na si Angel Castro, na unang nakilala sa screen name na Claire Castro.
Ayon kay Angel, nakikita at nalalaman lamang niya ang mga nangyayari sa kanyang ina sa Facebook.
Matagal nang naninirahan sa Amerika si Raven kasama ang bagong pamilya nito.
Saad ni Angel: “My mom, she’s currently in the States with my siblings. She is happily married to my stepdad right now.
“As I’ve said sa previous interviews ko, we do not have any communication, but I will not talk about it na lang po.
"Kasi, I guess some things are better left private po.
"But I do have so much love for her and I know she loves me.”
Dahil hindi sila nag-uusap, hindi alam ni Angel ang reaksiyon ni Raven sa kanyang desisyong magpaseksi sa mga pelikula ng VMX.
Read: Former Kapuso actress Angel Castro rebrands, joins VMX
ANGEL ON HIS FATHER AND GRANDFATHER
Hindi man sila malapit ni Raven sa isa’t isa, kabaligtaran ito sa relasyon ni Angel sa kanyang ama, ang dating aktor at news anchor ngayon na si Diego Castro.
“My dad, he’s really a happy-go-lucky person. Joker po siya, so yung dad ko po, mabilis ko po siyang makausap.
“When I have problems, I go to him po.
"When I am worried about something, I can talk to him naman po.
"We’re very close po,” pahayag ni Angel.

Nakapanayam si Angel sa media conference ng kanyang unang pelikula sa VMX, ang Bagong Tukso, kahapon, Hulyo 1, 2026.
Binanggit ng isang entertainment editor na nabibilang si Angel sa "showbiz royalty" dahil sikat at nirerespeto ang kanyang lolo na si Angelo Castro Jr. (Marso 6, 1945- Abril 5, 2012),
Reaksiyon ng bagong VMX star, “I didn’t know na royalty pala yung term, but my grandfather was the founder, if I’m correct, of TV Patrol.”
Wala raw intensiyon si Angel na sundan ang yapak ng kanyang lolo at ama bilang mga broadcast journalist.
“I think I will just stick to acting ‘coz mahirap po ang maging isang journalist.
"Saksi po ako sa workload ng father ko and it’s not really a fashion of mine," sabi niya.
Read: Ai-Ai delas Alas, Rosanna Roces finally end 25-year feud
ANGEL CASTRO'S SHOWBIZ LINEAGE
Sa mga hindi nakakaalam, artista sa telebisyon at pelikula si Angelo bago ito naging award-winning broadcast journalist kaya minana ni Angel mula sa kanya ang hilig sa pag-arte.
Ylagan ang apelyido ng ina ni Angelo.
Pinsan niya ang mga yumaong aktor na sina Jay Ilagan at Robert Arevalo.
Pamangkin ni Angelo si Janno Gibbs.
Tiyo niya ang National Artist at direktor na si Gerry de Leon (Setyembre 12, 1913- Hulyo 25, 1981).
Television at movie actress din ang lola ni Angel, ang Marian devotee at EDSA 1 hero na si June Keithley (Marso 10,1947-Nobyembre 24, 2013), kaya may katotohanan ang kanyang sinabing relihiyoso ang kanilang pamilya.

Si Angel ang kauna-unahanng apo nina Angelo at June.
Angelica ang tunay na pangalan ni Angel.
Nang magdiwang siya noon ng 1st birthday, nasaksihan ng Cabinet Files ang labis na pagmamahal sa kanya ng lolo at lola niya.
Read: Kim Chiu posts subtle clapback to hallway incident with Ogie Diaz