PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic, Vice exchange sweet messages ahead of movie announcement

The "pasabog na collab" is finally happening.
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
vice ganda vic sotto movie
Comedy icons Vice Ganda (left) and Vic Sotto (right) surprised viewers by greeting each other live on their rival noontime shows before the official movie announcement, fueling anticipation for what could be one of the biggest MMFF 2026 entries.
PHOTO/S: X (Twitter)

Magaganap sa darating na Linggo, Hulyo 5, 2026, 4 P.M., ang mall show para sa pelikulang pagsasamahan nina Vic Sotto at Vice Ganda na inaasahang isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.

Ang mall show ay gaganapin sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

Hindi pa sinasabi ang pamagat ng pelikula nina Vic at Vice, pero kumpirmado na ito dahil sa "new movie alert" na inilabas ng Star Cinema.

new movie alert
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kinalaman sa proyektong gagawin ng dalawa ang pagbati nila sa isa’t isa sa kanilang magkaribal na noontime show nitong Biyernes ng tanghali, Hulyo 3, 2026.

Si Vice ang unang bumati kay Vic sa It’s Showtime.

Sinabi niya, “Hi guys, may babatiin lang ako, yung idol ko. Hi Bossing Vic! I love you."

Sagot ni Vic sa Eat Bulaga!: “Teka lang, may bumati sa akin kanina, e. Babatiin ko rin siya ngayon.

"What’s up, Vice? Mag-uusap tayo ha? Mag-usap tayo nang masinsinan.

"Basta ang masasabi ko lang sa yo, mwah, mwah, tsup, tsup.”

Sinundan niya ito ng isang flying kiss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda, may "pasabog na collab" para sa MMFF 2026

PREEMPTED ANNOUNCEMENT

Bago nangyari ang pagbati nina Vic at Vice sa isa’t isa on national TV, nauna nang naglabas ng social media announcement ang aspiring actress na si Sofi Fermazi noong Miyerkules, Hulyo 1.

Kalakip nito ang larawan ni Sofi kasama sina Vic at Vice.

Nakalagay rito: "Hello my dear Softies, I’ll be performing as the Special Guest Artist at Vice Ganda and Vic Sotto’s New Movie Announcement on July 5, 2026, at 4:00 PM at the Gateway 2 Mall Quantum Area. See you all!”

sofi vice and vic
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malakas ang kutob na pinangunahan ni Sofi ang Star Cinema at walang pahintulot ng mga kinauukulan ang kanyang social media post kaya binura agad ito.

Pero huli na dahil marami na ang nakapag-screenshot ng mga impormasyon na kanyang ibinahagi.

Read: DongYan, Vic-Vice movies inihahanda para sa MMFF 2026?

VIC-VICE "PASABOG NA COLLAB"

Sa panayam ni Vice Ganda sa entertainment press noong Abril 27, 2026 ay nagpahaging na siya tungkol sa "pasabog na collab" na gagawin niya para sa MMFF 2026.

Bahagi ng kanyang pahayag: “Nakailang meeting na rin naman kami. Nagbe-brainstorm kami every now and then. Nakailang meeting na kami…

“Bongga yung ka-collab ko this time! Basta, isa siyang pasabog na collab.”

First time daw ni Vice makaka-collab ang taong tinutukoy niya.

“Yeah, oo. E, kasi yun din naman… siyempre antagal ko na rin namang nagso-solo movie.

“So, excited din yung mga tao na makita kung sino yung ibang puwede ko pang makasama sa pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malalaman sa Martes, Hulyo 7, kung kabilang ang pelikula nina Vic at Vice sa unang batch ng mga pelikulang pasok sa MMFF 2026.

Gaganapin ang kickoff at annuncement ng first batch ng MMFF 2026 official entries sa Greenhills Mall, San Juan City, sa Martes.

Ihu-host ito nina Kaladkaren at Michael Sager.

mmff 202 announcement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ian vs Lotlot and Matet: A timeline of the family dispute over Nora Aunor's legacy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedy icons Vice Ganda (left) and Vic Sotto (right) surprised viewers by greeting each other live on their rival noontime shows before the official movie announcement, fueling anticipation for what could be one of the biggest MMFF 2026 entries.
PHOTO/S: X (Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results