Kinuha ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Wilbert Ross tungkol sa viral video ng pagtulong niya sa isang senior citizen na babae sa pagbubuhat ng maletang hawak nito habang pababa sa hagdan ng airport.
Kahit nakasuot si Wilbert ng baseball cap at facemask, nakilala pa rin siya ng kumuha ng video ng pagtulong niya sa senior citizen.
@mikaelaisabelle @Wilbert Ross the man you are ???????? gentleman supremacy >>> #wilbertross #wilbert #fyp #foryoupage #xyzbca ? The Alchemy - Taylor Swift
Pero para kay Wilbert, hindi umano espesyal ang kanyang ginawa dahil likas na matulungin ang mga Pilipino.
“Hindi ko naman po alam na nagbi-video pala. Parang fan na dun nagtatrabaho,” inisyal na reaksyon ni Wilbert tungkol sa tanong ng Cabinet Files.
“I think hindi siya dapat i-romanticize na may ganoon kasi alam ko naman na ang mga Pilipino, matulungin talaga. Hindi lang nabi-video-han o hindi sila artista.
"So I think, ito, hindi dapat maging special na tumulong kasi alam ko, madami talaga ang gumagawa nang ganoon.
"Na-timingan lang na na-video-han ako.”
Nakausap ng Cabinet Files at iba pang entertainment press si Wilbert sa media launch ng Strato na naganap ngayong Lunes, Hulyo 6, 2026.
Ang Strato ang body spray line ni Wilbert sa Viva Beauty.
Siya raw mismo ang pumili sa pangalan ng produktong may tatlong variants—ang Nimbus, Cumulus, at Cirrus.
Sinabi ni Wilbert na parang nasa Cloud 9 siya dahil sa magagandang nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career.
Gusto rin daw niyang ganoon din ang maging pakiramdam ng mga gumagamit at gagamit ng Strato.
Read: Angel Castro shares painful truth about mom Raven Villanueva
TENTH ANNIVERSARY CONCERT
Ipagdiriwang ni Wilbert ang ika-sampung anibersaryo ng kanyang entertainment career sa pamamagitan ng WRten by Wilbert Ross, ang two-night concert niya sa New Frontier Theater sa Hulyo 25 at Hulyo 26.
Halos wala nang pahinga si Wilbert pero hindi nagkakaroon ng conflict sa kanyang mga schedule dahil nakagagawa siya ng paraan.
Saad niya: “Sinisiksik ko na po lahat kasi may taping kami ngayon para sa Love U Lots, so may mga araw na magkasunod.
"And then, in between na rest days, dun po ginagawa yung voice lessons, band rehearsals, dance rehearsals.
“Meron din po isinisingit minsan na basketball practice. Like, after this po, diretso ako sa basketball practice.
“Siyempre hindi ko po puwedeng pabayaan yung katawan ko. Isinisingit ko po every morning yung workout, 4 A.M., 5 A.M., depende po sa schedule.”
Ang Love U Lots ang bagong TV series nila ni Bea Binene.
Para naman sa Viva All Star Basketball Games, na magaganap sa Agosto 16, 2026, ang mga basketball practice niya.
Napangiti pero nahihiyang hinubad ni Wilbert ang suot na jacket sa presscon ng Strato nang hilinging ipakita niya ang physically fit na pangangatawan na resulta ng regular workout bilang paghahanda sa kanyang concert at sa Viva All Star Basketball Games.
Read: Sachzna Laparan and Mark Pascual break up; PHP50-million debt revealed