Malakas na palakpakan ang tinanggap ni Atasha Muhlach nang kantahin nito ang "Pers Lab" sa media launch ng pagbibidahan niyang Bongga Ka ‘Day! The Annie Batungbakal Musical.
Pinahanga ni Atasha ang marami dahil sa husay ng pag-awit niya ng "Pers Lab," na kinanta at pinasikat ng Hotdog vocalist na si Ella del Rosario noong 1975.
Pinatunayan ni Atasha na karapat-dapat siya para gampanan ang karakter ni Annie Batungbakal, na binigyang-buhay sa pelikula ni National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor noong 1979.

Sina KD Estrada, Anthony Rosaldo, Jeff Moses, at Sam Concepcion ang mga kapareha ni Atasha sa Bongga Ka ‘Day!.
Ayon sa actress-singer, nag-click agad sila sa isa’t isa.
"Sa totoo lang, sa rehearsals pa lang para sa mediacon na ito, we all click automatically and it kinda felt like as if we were rehearsing from before pa.
"Parang family ang feeling,” pahayag ni Atasha sa media launch na ginanap sa The Grand Bar and Lounge ng Newport World Resorts nitong Martes, Hulyo 7, 2026.
Read: Atasha Muhlach lands lead role in Annie Batungbakal musical

WHAT "BONGGA" MEANS TO ATASHA
Ano ang kahulugan ng "bongga" para kay Atasha?
Sagot niya: “It’s when you strip away everything, all the external factors, all the glitter of the glitz and glam, it’s eally where your heart is and being you.
"So, that is the meaning of bongga!”
Hindi nakadalo si KD sa media launch ng Bongga Ka ‘Day! pero nagbigay siya ng mensahe.
Sabi niya: “Sorry, hindi ako makakapunta diyan sa presscon kasi prior commitments pero mae-expect ninyo kay Burn, ibang klaseng karakter kasi hindi ako sosyal dito.
“Rakista na ako pero musician pa rin which is very close to my roots.”
SPECIAL GUESTS
Mga espesyal na panauhin sa media launch ng Bongga Ka ‘Day! — sina Pam Garcia at Valerie Garcia, ang mga biyuda nina Dennis Garcia at Rene Garcia.
Sina Dennis at Rene ang magkapatid na OPM icon at kabilang sa mga nagtatag ng bandang Hotdog, na nagpasikat sa Manila Sound noong dekada ’70.
Pumanaw si Dennis noong Enero 18, 2020.
Sumakabilang-buhay naman si Rene noong Setyembre 2, 2018.
Kabilang sa maraming kantang pinasikat ng Hotdog ang "Annie Batungbakal," "Bongga Ka ‘Day!," "Langit Na Naman," "Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko," "Manila," "O Lumapit Ka," at "Pers Lab."
Ang Bongga Ka 'Day! ay itatanghal sa Setyembre 2026 sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ng Bongga Ka ‘Day! The Annie Batungbakal Musical sa Setyembre 2026, isang special tribute concert para sa Hotdog ang magaganap sa Agosto 8, 2026, sa Newport Performing Arts Theater.
Tampok sa pagbibigay-pugay sa legacy ng band ang Hotdog vocalists na sina Maso Diez-Rivera, Gina Montes-Infante, at Rita Saguin-Trinidad.
Read: Vic Sotto-Vice Ganda movie among first 4 MMFF 2026 entries