PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dolly de Leon on being single: "Mahal na mahal ko ang sarili ko."

Dolly de Leon cherishes quiet life in the Philippines before overseas projects.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
dolly de leon self-love
From cooking, gardening, grocery shopping, and taking care of her cats to preparing for more Hollywood projects, Dolly de Leon says her six-month stay in the Philippines reminded her to enjoy life's simple pleasures—and that she's perfectly happy being single.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Anim na buwan nang naririto sa Pilipinas ang international Filipino actress na si Dolly de Leon para sa kanyang bakasyon.

Sa Agosto 2026 ay aalis siyang muli para sumabak sa mga sunud-sunod na proyektong gagawin niya sa ibang bansa.

Sa media conference na ipinatawag ng CreaZion Studios, ang talent management company na namamahala sa acting career niya, noong Miyerkules, Hulyo 8, 2026, tinanong ng Cabinet Files si Dolly kung anong mga bagay na na-miss niyang gawin ang ginawa niya sa anim na buwang pananatili sa Pilipinas.

Saad ng aktres: “Na-miss ko yung nakatunganga lang ako sa bahay, walang ginagawa. Sobrang na-miss ko yon.

“Nagluto ako, namalengke ako. Yes, ginawa ko lahat yan. Nag-grocery kami.

"Nagtanim ako ng halaman. Nag-alaga ako ng pusa.

“Nag-yoga ako, nag-try ako mag-yoga. Nag-try ako ng choir singing.

"Alam niyo bang merong group na puwede ninyong attend-an every Sunday tapos mag-choir singing?"

Dagdag ni Dolly: “Ang saya-saya. Ang sarap!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tsine-cherish ko yung mga ganyan kasi once na nagtrabaho na ako, wala na ulit.

"Ang sarap talaga ng nakaupo ka lang sa bahay.”

Hindi siya yung Dolly de Leon na aktres?

“Oo, exactly, at saka yung wala lang. Wala kang pinoproblema.

"Kasi acting is a very stressful job? It’s very stressful.

"Kahit masaya siya and it’s fun, nakaka-stress siya.

“So, maganda siyang… itong nakaraan, marami akong opportunity na mag-decompress.”

Read: Nadine Lustre wins online harassment case, netizen punished by court

DOLLY DE LEON ON SELF-LOVE

Lumawak na ang mundo ni Dolly dahil maraming tao na ang nakikilala at nakakahalubilo niya.

Kumusta ang lagay ngayon ng kanyang puso?

“Mahal na mahal ko ang sarili ko,” nakangiting sabi ni Dolly na dahilan para matawa ang mga dumalo sa media conference para sa kanya.

“Haping-happy akong mag-isa. Walang iniisip na ibang tao.

“Alam mo, sinabi ni Carol Burnett, tinanong siya kung mag-aasawa pa siya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, enjoy na enjoy siya sa pagbabasa niya ng libro, sa panonood niya ng sine, sa pagtulog niya sa gabi na kapag nagkaroon siya ng dyowa, kailangan titira siya sa ibang bahay,” pagtukoy ng Filipina actress sa American comedienne-actress.

Tiniyak ni Dolly na walang nagpaparamdam sa kanya ngayon.

“Wala. Buti na lang. Happy ako,” sambit niya.

Nakatakdang umalis ng Pilipinas si Dolly sa susunod na buwan dahil sa kanyang acting commitments sa ibang bansa.

Ibinalita rin niyang natapos na ang kanyang shooting para sa pelikulang The Chaperones.

“I finished a film last year about The Chaperones. It’s going to come out next year.

"Hindi ko pa alam, kung saan festival but it’s coming out next year," sabi niya.

Kabilang sa co-stars ni Dolly sa The Chaperones sina Alfred Molina, Paul Dano, at Danielle Deadwyler.

Kasalukuyan namang napapanood si Dolly sa Netflix series na Avatar: The Last Airbender at Apple TV series na Maximum Pleasure Guranteed.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin siya sa voice cast ng Philippine-inspired Dreamworks animated filma na Forgotten Island.

DOLLY AND HER CATS

Sa kanyang pag-alis sa Agosto 2026, ang mga alaga niyang pusa na sina Mariko at Fuji ang sinabi ni Dolly na mami-miss nito.

Nanggaling mula sa pangalan ng mga karakter ng American historical drama series na Shogun ang pangalan nina Mariko at Fuji dahil paborito ni Dolly ang nabanggit na palabas.

Nag-aalala si Dolly na baka hindi siya makilala nina Mariko at Fuji kapag bumalik na siya mula sa ibang bansa.

Hindi na raw kasi siya kilala ng dati niyang alagang pusa nang magbalik siya sa Pilipinas matapos ang matagal na pamamalagi noon sa ibang bansa.

Read: Martin Nievera loses nearly US$3,000, credit cards after rushing to watch Alex Eala's Wimbledon match

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From cooking, gardening, grocery shopping, and taking care of her cats to preparing for more Hollywood projects, Dolly de Leon says her six-month stay in the Philippines reminded her to enjoy life's simple pleasures—and that she's perfectly happy being single.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results