Ngayong Biyernes, Hulyo 10, 2026, ang ika-47 kaarawan ng South Korean superstar na si Gong Yoo.
Kaugnay nito, isang sorpresa mula sa kanya ang natanggap ng mga tagahanga niyang Pilipino.
Inanunsiyo ng Management SOOP, ang talent management na kinabibilangan ni Gong Yoo, na kasama ang Manila sa mga siyudad na bibisitahin niya para sa The Long Take, ang kanyang Asia Fanmeeting Tour.
Hindi lamang ang Manila ang magiging bahagi ng The Long Take.
Pupunta rin si Gong Yoo sa Jakarta, Indonesia; Yokohama, Japan; Bangkok, Thailand; at Macau, China.
Magtatapos ang kanyang tour sa Seoul, South Korea.
Pero hindi pa sinasabi ng Management SOOP ang mga petsa ng Asia Fanmeeting Tour ng aktor.
Read: Lee Jong Suk, IU confirm breakup after four years together
GONG YOO'S BIRTHDAY MESSAGE TO HIS FANS
Sa teaser video na inilabas ng Management SOOP, ipinakita ang isang lalakeng nakatalikod at may isinusulat sa mesa habang nakaupo.
Nang tumayo ang lalake, na hindi ipinakita ang mukha pero halatang si Gong Yoo, itinutok ang kamera sa personal note na iniwan niya.
Nakasulat ito sa wikang Korean na ang English translation ay ang imbitasyon para sa The Long Take: “With a thankful heart, let’s meet soon!!”
Ibinahagi rin ng Management SOOP ang kopya ng sulat ng pasasalamat ni Gong Yoo sa lahat ng mga pagbati na kanyang natanggap dahil sa kaarawan niya.
Nakasaad sa sulat-kamay na mensahe ni Gong Yoo na isinalin sa wikang Ingles: “It has been a long time since I sent my greetings in my own handwriting.
“Is everyone staying healthy during this sweltering summer?
“Thanks to the unchanging congratulations and warm hearts you send me every year on my birthday. I am spending this year with great gratitude as well.
“Thanks to all of you who have been with us for so long. I have naturally come to look back on the time that has passed so this year, I have prepared a gathering to face that time in person and be together.
“I hope to add a new scene to our long-standing story. Until that day, I will also stay in my place and come back to see you in good spirits. Thank you always.”
View this post on Instagram
PINOY FANS EXCITED FOR GONG YOO'S PHILIPPINE VISIT
Ikinatuwa nang husto ng mga nananabik na Pinoy fans ni Gong Yoo ang nakatakda niyang pagbisita sa bansa ngayong 2026.
Matagal nang pinapangarap ng maraming Pinoy fans na makita nang personal ang Korean actor na nagbida sa kanilang mga paboritong palabas tulad ng Train to Busan, Finding Mr. Destiny, Coffee Prince, at Goblin.
Kahit hindi pa natutukoy ang petsa at lugar ng pagdarausan ng pagdalaw ni Gong Yoo sa Pilipinas, pinaghahandaan at pinag-iipunan na ng pera ng kanyang mga tagahangang Pilipino ang pagdating niya dahil naniniwala silang mataas ang presyo ng tickets para sa The Long Take.
Read: Kathryn Bernardo meets her Madame Tussauds twin for the first time