PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Ansay and Sofia Pablo were in a relationship, sources claim

Why did they break up? Sources speak up.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
allen ansay sofia pablo open 24/7
Allen Ansay and Sofia Pablo reportedly broke up and several sources cite reasons why their relationship did not work out.
PHOTO/S: Gorgy Rula

Hindi lamang isang tao ang nagbigay ng reaksyon sa Cabinet Files tungkol sa "coordinated statements" nina Allen Ansay at Sofia Pablo.

Sinabi rito ni Allen na tumigil na ito sa panliligaw kay Sofia dahil nagkasundo silang pagtuunan ng pansin ang kani-kanilang showbiz career.

Read: Allen Ansay confirms he stopped courting Sofia Pablo in March

Halos ganoon din ang pahayag ni Sofia, na pinili nilang mas bigyan ng panahon ang pag-abot sa kani-kanilang pangarap.

Ayon sa mga tao na nagparating ng impormasyon sa Cabinet Files, may relasyon ang dalawa at hindi lamang basta nanliligaw si Allen kay Sofia.

Read: Sofia Pablo confirms Allen Ansay stopped courting her

WHY ALLEN ANSAY AND SOFIA PABLO BROKE UP

Pero nagbago ang tingin at damdamin ni Allen para sa aktres nang pumasok ito sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.

Diumano, isang kaso ng falling out of love ang naramdaman at nangyari kay Allen nang sumali si Sofia sa reality competition program ng ABS-CBN at GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ng mga nakausap ng Cabinet Files na nakaapekto rin ang pagpunta ni Allen sa Tokyo, Japan noong Nobyembre 2025 dahil nagpagtanto niya na may ibang mundo, bukod kay Sofia.

Nakadagdag din umano ang mga payo kay Allen ng mga nagmamalasakit sa kanya na higit na magiging masigla ang showbiz career niya kapag humiwalay siya kay Sofia.

May mga naniniwalang maaaring nakaranas si Allen ng "burnout" sa relasyon nila ni Sofia dahil sa kanilang madalas na pagkikita at pagsasama noong hindi pa pumapasok ang aktres sa Pinoy Big Brother house kaya unti-unting nanlamig ang pakikitungo niya sa dalaga.

Sinabi naman ng isang Cabinet Files source na pagmamahal na lamang para sa isang kapatid ang diumano’y nararamdaman ni Allen para kay Sofia.

Alam umano nina Allen at Sofia sa sarili nila ang katotohanan na nagkaroon sila ng relasyon at hindi lamang ordinaryo na ligawan ang nangyari kaya may mga hindi naniniwala sa kanilang mga inilabas na coordinated statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALLEN ANSAY AND SOFIA PABLO PROJECTS

Ilang taon ding naging magka-loveteam sina Sofia at Allen.

Ilan sa mga pinagtambalan nilang proyekto ay ang Prinsesa Ng City Jail, In My Dreams, at Luv Is: Caught In His Arms.

Nagkasama rin sila sa horror film na Huwag Kang Titingin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Ansay and Sofia Pablo reportedly broke up and several sources cite reasons why their relationship did not work out.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results