Dahil sa phenomenal online popularity ng Missioned Souls, magkakaroon sila ng US tour sa Setyembre 2026.
Ang dating singer na si Lerma dela Cruz aka Lerma Cailles ang producer at promoter ng kanilang concert sa Amerika.
Ang Missioned Souls ang Cebu-based music band ng mag-asawang Secan at Sheena Alipio, kasama ang kanilang mga anak na sina Naces,17, Neisha,15, Stacey, 13, at Isaiah,11.
Nakuha ng Missioned Souls ang atensyon at paghanga ng buong mundo dahil sa kanilang mga YouTube music video na may milyun-milyong views.
Buong mundo dahil mula sa Amerika, Brazil, United Kingdom, Canada at Australia ang karamihan sa mga tagahanga ng Missioned Souls at matibay na pruweba ang mga komento na mababasa sa kanilang YouTube channel.
Read: Allen Ansay and Sofia Pablo were in a relationship, sources claim
MISSIONED SOULS ON PURPOSE-DRIVEN MUSIC
Hindi lamang basta mga musikero ang Missioned Souls dahil simbolo sila ng family unity, love, faith, at wholesome entertainment.
"We are a family commissioned to propagate the importance of family unity by showing love and respect to each family member and for one another.
"We put into action our God-given gifts to bring joy and fun into other people's lives through music,” ang pahayag ng Missioned Souls tungkol sa kanilang simple pero makabuluhang misyon.
Si Sheena ang vocalist ng banda; at ayon sa kanya, nabuo ang banda nila sa kanilang sala.
Naisip umano nila na magtatag ng banda nang mag-jamming sila sa sala ng kanilang tahanan.
Kilalang-kilala sa maraming panig ng mundo ang Missioned Souls.
Dahil sa kanilang YouTube videos, nagkaroon sila ng mga tagahanga at kaibigan mula sa iba’t ibang bansa na pinadadalhan sila ng mga regalo tulad ng mga gitara, pera at “balikbayan boxes.”
Nabuhay ang interes ni Lerma na mag-produce ng concert para sa Missioned Souls dahil sa mga Amerikano na kanyang nakakausap at nagsabi na dalhin niya sa US ang Filipino family band na sikat sa social media.
Ipinahanap ni Lerma sa mga kakilala nito sa Pilipinas ang Missioned Souls. Natunton niya ang kinaroroonan ng pamilya; at ang five-city tour sa Amerika sa Setyembre 2026 ang resulta ng kanilang pag-uusap.
"Most of their producers are not Filipinos so I want to introduce them to the Filipino community,” ang sabi ni Lerma sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.
Read: Rob Sy shuts down "false narrative" thrown at his son
ON FANS ABROAD
Ikinuwento ni Lerma na mga Amerikano ang karamihan sa mga humiling na magtanghal sa US ang Missioned Souls na labis na hinahangaan sa iba’t- bang mga bansa.
Ang US concert promoter na si Vic Perez ang sumagot nang itanong ng Cabinet Files ang paliwanag tungkol sa Missioned Soul phenomenon.
"YouTube attracts universal audience, so a lot of Americans are also musically inclined. They like to listen to music and dun nila na naispatan yung Missioned Souls.
"After that, there was a huge interest with the group. There’s something unique about the group because they’re family.
“Very rare ‘yon na magkakasama yung magkakapatid at mga magulang so that’s the unique appeal of the group and they perform so amazingly well so ‘yung mga Amerikano, nabaliw sa kanila,” ang lahad ni Perez na tuwang-tuwa dahil sa kanyang sariling salita, kinababaliwan ang Missioned Souls ng mga dayuhan.