Noong nakaraang linggo, inulan ng batikos ang isang programa sa telebisyon na pinararatangang gumamit ng AI sa eksena.
Pero pinili ng mga namamahala sa produksiyon na huwag nang sumagot para hindi na lumaki ang isyu.
Bago pa nangyari ang insidenteng iyon, pinag-uusapan na sa China ang desisyon ng Chinese vertical drama actor na si Xu Peng, 30, na bumalik sa kanilang bayan sa Shandong para tulungan ang lolo niya sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke.
Ito ay dahil sa kawalang ng trabaho.
Nagtapos si Xu Peng sa Central Academy of Drama.
Naging popular siya sa pagganap sa mga karakter ng dominanteng CEO sa vertical drama series projects niya.
Dati nang lumalabas si Xu Peng sa mga drama series, pero mas dumami ang kanyang mga proyekto nang tumanggap siya ng mga micro-drama series na namayagpag sa China noong 2025.
Pero panandalian lamang ang tagumpay na tinamasa ni Xu Peng mula sa paggawa ng vertical drama series.
Nawalan siya ng trabaho dahil naging uso ang AI-generated short dramas kaya hindi na kinailangan ang kanyang serbisyo.
FROM DRAMA ACTOR TO VEGETABLE VENDOR
Sa ulat ng Channel NewsAsia Lifestyle, nakikita si Xu Peng na pumupunta sa palengke, sakay ng isang electric vehicle, para magbenta ng mga gulay sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.
Dahil kilalang aktor sa mga Chinese vertical drama series, pinupuntahan si Xu Peng ng mga tagahanga niya sa palengke para magpakuha ng litrato kasama siya.
Maluwag daw sa kalooban na tinanggap ni Xu Peng ang kinahinatnan ng kanyang career.
Pahayag niya: “Being an actor is just a profession. If there are no acting jobs, I’ll find another way to make a living.
“As long as I earn an honest living through my own hard work, there’s no obstacle I can’t overcome.
"Even if my profession changes, I’m still the same person.”
Read: Sports talent's alleged private video is AI-generated, says management

HOW AI CHANGED CHINA'S SHORT DRAMA INDUSTRY
Isa lamang si Xu Peng sa maraming artista ng short drama series sa China na naapektuhan at nawalan ng trabaho dahil sa AI.
Iniulat ng Channel NewsAsia na dalawang milyong trabaho ang apektado ng AI sa industriya ng short drama sa China.
Dati-rati, kumikita ng 20,000 yuan o PHP181,542 sa isang araw ang mga sikat na short drama actor sa China.
Pero dahil sa AI, nahihirapan na sila ngayong makahanap ng proyekto kahit 1,200 yuan o PHP10,892.00 ang ibayad sa kanila sa isang araw.
Read: Winnie Cordero opens up about husband's death, life after loss
ZHANG YINGFEI IS A REAL DRAMA ACTRESS
Mabilis binago ng AI ang short drama series industry sa China dahil sa unang quarter pa lamang ng 2026, 122,000 sa 128,000 micro drama series ang gawa sa AI.
Nang bumisita ang Chinese vertical drama series actress na si Zhang Yingfei sa Pilipinas noong Hunyo 2026, nilinaw niyang totoong tao siya at hindi AI tulad ng maling akala ng ibang mga Pilipino.
Sumikat si Zhang Yingfei sa Pilipinas sa pangalang Linda Walker, ang karakter niya sa The Heiress Who won With Brains.

Pero dahil sa AI, hindi malabong maapektuhan din ang acting career ni Zhang Yingfei, gaya ng naging kapalaran ni Xu Peng.
Posibleng maranasan din ito ng Filipino actors kapag nagpatuloy ang pagtangkilik at paggamit ng AI sa mga drama series.