Sa Pebrero 22, 2027 ang ika-50 kaarawan ng aktor, visual artist, at dating Manila vice-mayor na Yul Servo.
Kaugnay nito, pinaghahandaan na niya ang kanyang pagiging “Golden Boy" sa pamamagitan ng physical fitness.
Kasama ang matalik na kaibigan na si Piolo Pascual, ibinahagi ni Yul sa kanyang official Facebook page kahapon, Hulyo 12, 2026, ang larawan nilang naka-topless at may mga gym equipment.
Caption niya: “Road to 50. No shortcuts. Just consistency. Day 1."

Gaya ni Yul, magdiriwang si Piolo ng kanyang 50th birthday sa susunod na taon.
Isang buwan lamang ang tanda ni Piolo kay Yul. Enero 12 ang araw ng kapanganakan ng Kapamilya actor.
Nahalal si Yul na bise-alkalde ng Maynila noong Mayo 2022.
Noong Mayo 2025, muli siyang kumandidato para sa nabanggit na posisyon, pero hindi pinalad magwagi.
Read: Brian Poe Llamanzares set to tie the knot; wedding date revealed
YUL SERVO AS A VISUAL ARTIST
Hindi lamang award-winning actor si Yul dahil mahusay rin siyang metal visual artist.
Ang kanyang mga nilikhang sining ang pinagkaabalahan niya habang pansamantalang nagpapahinga mula sa mundo ng pulitika.
“Yul Servo Nieto-Artist” ang isa sa mga Facebook page ni Yul.
Makikita rito ang mga artwork niya at ang kanyang mga pinagtutuunan ng panahon bilang metal visual artist.

Isa si Piolo sa mga pinasalamatan ni Yul sa Facebook post nito dahil sa commissioned artwork na proyekto niya.
“Salamat tol, sa tiwala. Isang karangalan na ako ang napili para likhain ang artwork ng napakagandang lugar na ito.
“Halos isang dekada man ang lumipas, walang kupas ang pagkakaibigan. Parang kahapon lang ang huli nating pagkikita.
Maraming salamat tol,” mensahe ng pasasalamat ni Yul para kay Piolo sa kanilang larawang magkasama na ibinahagi rin niya sa social media.
Read: Winnie Cordero opens up about husband's death, life after loss