“Hopefully we work together.”
Ito ang mga salita ni Matt Damon na halos ikamatay ni Jericho Rosales nang humiling ang Filipino actor ng autograph mula sa popular Hollywood actor.
Lumitaw ang pagiging fanboy ni Jericho dahil nakaharap at nakausap niya nang personal ang isa sa mga Hollywood actor na kanyang hinahangaan.
Naganap ang kanilang pagkikita sa grand premiere ng highly anticipated Hollywood movie na The Odyssey sa Mumbai, India, na ginanap ng magkasunod na araw, Hulyo 10 at Hulyo 11, 2026.
Inimbitahan si Jericho ng Universal Pictures Philippines sa naturang pagtitipon na dinaluhan nina Matt at Tom Holland, ang mga bida ng The Odyssey.
Ibinahagi ni Jericho ang video clip ng interaksiyon nila ni Matt sa Instagram nitong Lunes ng gabi, Hulyo 13.
Tumagal ng labingwalong segundo ang video clip kung saan hiningan ni Jericho ng autograph si Matt.
Tinanong ni Matt ang pangalan ni Jericho, at ini-spell out naman ito ng equally popular Filipino actor.
Sabi ni Jericho, “Man, you inspire me so much.”
Sagot ni Matt, “Thanks, man, I really appreciate it.”
Caption ni Jericho sa kanyang post: “I died when he said that.
“I will support this man forever. God bless you, Matt Damon.
"THANK YOU. You don’t know what that means to me.”
Pinasalamatan din ni Jericho ang Kapuso TV host na si Lyn Ching, na siyang kumuha ng video.
Read: Winnie Cordero opens up about husband's death, life after loss
View this post on Instagram
JERICHO ROSALES' MISSION
Bago ibinahagi ni Jericho ang video ng pagtatagpo nila ni Matt sa Mumbai, nauna na ang kanyang Instagram post na nagpapahiwatig tungkol sa hiniling niyang autograph mula kay Matt.
Saad niya: “The mission was easy. Walk. Talk. Get photos taken.
"It was the autographed Muji notepad that killed me for a minute there.
"I feel so alive. Coming home with great stories. What a memorable journey.”
View this post on Instagram
Si Christopher Nolan ang direktor ng The Odyssey.
Pinili niya ang Mumbai para sa grand premiere ng kanyang pelikula dahil sa malalim na pagpapahalaga niya sa kultura ng India.
Ang The Dark Knight Rises (2012) at ang Tenet (2020) ang dalawa sa mga pelikula ni Nolan na kinunan ang mga eksena sa India kaya naging paborito niya at nagkaroon siya ng koneksiyon sa nabanggit na bansa.
Mapapanood ang The Odyssey sa mga sinehan sa Pilipinas simula sa Hulyo 15, 2026.
Read: Who is Margarita Gutierrez? Meet Brian Poe Llamanzares' fiancée and DOJ undersecretary