PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male personality, hindi maamin ang breakup nila ng ex-girlfriend

Kasal ng male personality at ex-girlfriend, hindi na matutuloy.
by Jojo Gabinete
Published 5 hours ago
blind item male persomality
ILLUSTRATION: Chat GPT

Kumpirmadong hiwalay na ang male entertainment personality sa karelasyon nito

Pero tikom ang bibig niya sa pagtatapat ng katotohanan para hindi na lumala ang sitwasyon sa pagitan nila.

Pinili ng male entertainment personality na huwag na lamang magsalita o aminin sa publiko na hindi na matutuloy ang plano nila ng kanyang girlfriend na magpakasal dahil naghiwalay na nga sila.

May anak ang male entertainment personality sa kanyang kasintahan.

Nangangamba siyang baka hindi na niya makita ang bata kapag nalaman ng mga taong wala nang magaganap na kasalan.

Nagbanta ang dating karelasyon ng male entertainment personality na hindi na nito mabibisita at makikita ang kanilang anak kung magsasalita siya tungkol sa pagwawakas ng pagsasama nila.

Read: Brian Poe Llamanzares set to tie the knot; wedding date revealed

DID MALE PERSONALITY INITIATE BREAKUP?

Mahal na mahal ng male entertainment personality ang kanyang anak kaya sunud-sunuran siya sa kagustuhan ng estranged girlfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may mga pagkakataong nadudulas ang dila ng male entertainment personality dahil nababanggit nito nang hindi sinasadya sa mga tao sa kanyang paligid ang mga problema nila ng ex-girlfriend niya.

Kung pag-aaralan at pagbabasehan ang mga pahayag ng male entertainment personality, may pahiwatig na siya ang unang kumalas sa relasyon nila ng ex-girlfriend.

Nasaktan umano ang ex-gilrfriend kaya nagbabala at nagbanta itong hindi ipapakita sa kanya ang kanilang anak.

Read: Ombudsman indicts ex-OWWA chief Arnell Ignacio over PHP1.4B land deal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results