Kahit marami ang naghihinalang may relasyon na sina Aubrey Caraan at Lance Carr, nanindigan ang dalawa na mabuting magkaibigan lamang sila.
Pero kakaiba ang mga ikinikilos nila.
Kasama si Rose Van Ginkel, sina Aubrey at Lance ang mga bida sa Rosario, ang thriller horror movie ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa Agosto 5, 2026.
Sa nakaraang media conference ng Rosario, ang madalas na nakapatong na kamay ni Aubrey sa hita ni Lance, na posibleng hindi niya napapansin, ang napagmasdan ng entertainment press.
Dahil dito, lalong nadagdagan ang hinalang nagkakamabutihan na sila.

Read: Bea Alonzo confirms wedding to billionaire scion Vincent Co
AUBREY AND LANCE'S LEVEL OF CLOSENESS
Pero maliban sa pagiging magkaibigan, walang inamin ang dalawa.
Saad ni Aubrey: “We’re really good friends, like, parang ano kami… yung sinasabi ko totoo po talaga, like, best friend ko siya.
"Ang best friend ko po talaga siyempre sister ko, pero wala akong guy best friend, kumbaga, na nasasabihan ko ng lahat-lahat.
“Sa mga hindi po nakakaalam, I live alone here in Manila. Ako lang po talaga.
"And si Lance, madalas kaming nagkakatrabaho, so siya minsan yung sumasama sa akin sa mga errands ko.
“Kunwari kailangan kong mag-grocery, pero ang dami kong bitbit, so magpapasundo ako.
"Ganoon yung level of closeness namin ni Lance,”
Pinatotohanan naman ito ni Lance.
Aniya: “Yun din po ang ibinilin ng mama niya sa akin.
"Since si Aubrey lang po ang mag-isa dito, kung puwede I can extend a helping hand to her.
“Kung kailan niya ako kailangan, parang I make sure naman na nandiyan ako for her, kung anuman yung kailangan niya.”
POSSIBILITY OF BEING MORE THAN FRIENDS
Inamin ni Lance na posibleng humantong higit pa sa pagiging magkaibigan ang relasyon niya kay Aubrey.
“Nakikita ko naman na girlfriend material si Aubrey,” ani Lance.
Sabi naman ni Aubrey, boyfriend material ang ka-loveteam niya.
Nagbibirong reaksiyon ni Lance, “Akala ko, husband material?”
Natawa si Aubrey sa reaksiyon ni Lance kaya napilitan siyang sabihin na’ "husband material,” bago niya sinundan ng deklarasyon na “boyfriend material po.”
Read: Sachzna Laparan reveals she repeatedly bailed out ex Mark Pascual over debts