Dalawang araw matapos ang kanilang civil wedding sa Makati City Hall noong Lunes, Hulyo 13, 2026, balik-trabaho na agad si Bea Alonzo.
Ngayong Miyerkules, Hulyo 15, nag-taping na ang Kapuso actress sa Pampanga para sa Whispers From Heaven, ang kanyang upcoming primetime series sa GMA-7.

Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, ibinahagi ng TV host ang naging pag-uusap nila ng mister ni Bea na si Vincent Co noong Martes ng gabi, Hulyo 14.
Ayon kay Boy, ilang linggo na silang magkausap ni Vincent tungkol sa isang film project, ngunit ni minsan ay hindi nito nabanggit ang nalalapit nitong kasal.
Lahad ng TV host: “The past few weeks, Vincent Co and I have been talking to each other because of a proposed project that I have for him. Ito po ay may kinalaman sa pelikula.
“So we’ve been talking about it, pero not once did we talk about his wedding.
"Wala ho tayong kamuwang-muwang, kaalam-alam, at hindi natin pakikialaman yon.
“Kahapon, dahil lumabas na po yung balita na sila’y ikinasal, nasa telepono kami ni Vincent.
"I spoke to him, nagkausap ho kami ni Vincent, and very matter of factly, tinanong ko siya, ‘Vincent, ikaw ba ay ikinasal na kay Bea?’
“Sabi niya, very very matter of factly din, ‘Opo, Tito.’
"Sabi ko, ‘Vince, I’m so happy for you. I wish you both the best at God bless you.’
“And then I asked him,’ Are you travelling together after the wedding? Are you going to leave, travel out of the country?’
“Sabi niya, ‘Hindi, Tito, maraming trabaho.'”
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
HONEYMOON FOR BEA AND VINCENT has to wait
Kasunod nito, ibinahagi rin ni Boy na wala munang honeymoon ang bagong kasal dahil parehong abala sa kani-kanilang trabaho.
Ayon sa TV host, nasa Pampanga si Bea para sa taping ng Whispers From Heaven, habang sinabi naman ni Vincent na marami pa siyang kailangang asikasuhin.
Ang civil wedding nina Bea at Vincent ay ginawa sa Makati City Hall at pinangunahan ni Makati City Mayor Nancy Binay.
Unang nakumpirma ang kasal sa pamamagitan ng social media posts ni Binay noong Martes, Hulyo 14.
Gayunman, tumanggi ang alkalde na magbigay ng panayam sa media, dahil nais niyang ang bagong kasal mismo ang unang magsalita tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.
Ngayong umaga, tuluyan nang kinumpirma ni Bea ang balita tungkol sa kanilang kasal ni Vincent.
Read: Bea Alonzo confirms wedding to billionaire scion Vincent Co