Sinagot ng VMX star na si Robb Guinto ang pagiging magkamukha umano nila ng broadcaster na si Korina Sanchez at ang napabalitang relasyon noon ng boyfriend niyang si Yasser Marta kay Claudine Barretto
Nang mag-umpisa ang acting career niya sa VMX, ang pagkakahawig nila ni Korina ang madalas naririnig ni Robb.
Tinanong ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Robb tungkol dito nang makausap namin siya sa media conference ng live show niyang Solid Gold: The Robb Guinto Experience, na nangyari sa Viva Café ngayong Huwebes, Hulyo 16, 2026.
Saad niya: “Marami po nagsasabing kamukha nga raw po si Miss Korina Sanchez lalo na nung bagets pa siya.
“Siyempre po nakakatuwa kapag na-compare ako sa isang kilalang tao and nakaka-happy po na na-compare ako kay Miss Korina Sanchez.”

Hindi pa raw nakikita nang personal ni Robb ang seasoned broadcaster. Kung magaganap ito, baka raw mangibabaw ang kanyang hiya.
“Parang nahihiya po ako. Ang feeling ko po, baka magpaturo ako sa kanya kung paano maging newscaster.
“Gusto ko siyang ma-experience. Ako minsan, pina-practice ko ang sarili ko. Sana magkaroon ako ng chance na maging newscaster.”
Read: Angel Loscsin questions Robin Padilla after his "Komunista po ako" declaration
YASSER MARTA-CLAUDINE BARRETTO RUMORED RELATIONSHIP
Sa tanong kung si Yasser Marta ba ang "Mar Roxas" ng buhay niya, napahalakhak si Robb.
“Oo naman!” bulalas niya.
Si Mar ang mister ni Korina.
Si Yasser naman ang kasalukuyang boyfriend ni Robb. Inamin nila ang kanilang relasyon noong Marso 2026.

Read: Yasser Marta and Robb Guinto now in a relationship
Pero bago sila nagkaroon ng relasyon, naugnay si Yasser kay Claudine nang magkasama sila sa Kapuso drama series na Lovers/Liars noong 2024.
Sa isang TV guesting, sinabi ni Yasser tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Claudine: “I am going to be honest. Totoo.
"Ako naman, yung naramdaman ko at that moment, naging totoo ako, gusto ko rin naman talaga si Claudine.
“Single naman po ako. I guess, siya rin. Ako, siguro na-develop din po ako.”

Read: Yasser Marta admits falling for Claudine Barretto
Handa ba si Robb na makatrabaho si Claudine?
Sagot niya: “Oo naman po, wala naman po problema.
"Hindi rin naman po namin pinag-uusapan.
"Kasi, parang I believe na kapag once naman past na, hindi na importante. Mas importante ang nangyayari sa kasalukuyan.”
So, may nakaraan nga sina Yasser at Claudine?
“Hindi ko rin po alam. I mean, pagdating sa mga past na naging girlfriend niya, hindi po kasi ako matanong na tao.
“Hindi ko na para ungkatin kasi minsan ganoon nag-uumpisa yung away ninyo, yung selos.
"Kaya nga, yung akin, mas okay na lang na hindi siya pinag-uusapan,” katuwiran ni Robb.
Ang Solid Gold: The Robb Guinto Experience ay itatanghal sa Viva Café sa Hulyo 29.
Read: Guests at Bea Alonzo and Vincent Co’s intimate civil wedding