Hindi itinatanggi ni Dustin Yu na sumailalim siya sa rhinoplasty procedure kaya nagbago ang hugis ng kanyang ilong.
Pero sa kabila ng kanyang paliwanag, hindi pa rin siya tinatantanan ng "retoke" issue.
Sa guesting nila ni Bianca de Vera sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Huwebes, Hulyo 16, 2026, napag-usapan ang tungkol dito.
Usisa ni Boy kina Bianca at Dustin, “How do you explain this? Is that a big deal? In Korea, big deal yata ang walang retoke?”
Sabi ni Bianca: “Well, for me, it’s not a big deal.
"Like, whatever makes you feel confident or whatever makes you feel happy, it’s your body.
"And it’s your choice kung anuman yung gusto mong gawin, buhay mo naman yan.”
Sumang-ayon dito si Dustin, na nagpaayos ng ilong noong 2022 at walang nakikitang mali sa kanyang ginawa.
Positibo rin ang karamihan ng mga komento tungkol sa pagpapaayos niya ng ilong.
Saad ng Kapuso actor: “Well, wala talagang masama sa pag-e-enhance kasi kung makakatulong naman yon sa pag-boost ng confidence mo.
“And sa akin naman, personally, ginawa ko siya for my health concern and umokey naman siya.
"Sabi naman ng mommy ko, pogi raw ako."
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
DUSTIN AND BIANCA STILL NOT CONFIRMING THEIR RELATIONSHIP
Nang tanungin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, walang inamin ang dalawa.
Bagamat base sa kanilang mga kilos at madalas na paglabas na magkasama ay malinaw na may namamagitan na sa kanila, sinabi ni Dustin na naghihintay pa rin siya sa sagot ni Bianca.
“Honestly, naghihintay na lang talaga ako ng sagot.
"And kung talagang kailangan kong maghintay habambuhay, gagawin ko,” sagot ni Dustin, na nagpakilig sa mga tagahanga nila ni Bianca.
Reaksiyon naman ni Bianca: “I think hindi rin naman kami nagmamadali. I mean, we have so much time together.
"Dustin is a great guy. I think he’s the most consistent man I’ve ever met in my whole life. Well, of course, besides my dad.
"And grabe rin manindigan si Dustin, which I admire very, very much.
"So, ayan, we’re not running out of time."
Ano ang ugali ng isa't isa na nagustuhan nila?
Sabi ni Bianca: “Gusto kita kasi sobrang patient mo. Gusto kita kasi lagi mo akong nilulutuan.
"Gusto kita kasi sobrang humble mo. Gusto kita kasi sobrang generous mo.”
Para naman kay Dustin, si Bianca ang kanyang pahinga at gusto niya ang dalaga dahil gusto niya.
Aniya: “Gusto kita kasi ikaw yung lagi kong pahinga.
"Gusto kita kasi napaka-appreciative mo. Gusto kita kasi nakakatawa mo.
"Gusto kita kasi gusto kita."
Read: Did Dustin Yu and Bianca de Vera hard launch their relationship?