Ngayong Huwebes, Hulyo 16, 2026, ang kaarawan ng aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.
Tahimik na ipinagdiwang ni Melanie ang kaarawan nito sa Utah, USA, sa piling ng kanyang mga anak at asawang si Randy Lawyer.
Isang araw bago ang kanyang kaarawan, noong Miyerkules, Hulyo 15, ibinahagi ni Melanie sa Facebook page nito ang larawan nila ni Randy na magkasama.
Ikinagulat ito ng mga kaibigan at kakilala niya.
May rason para magtaka ang mga ito dahil noong Enero 2026, lumabas at isiniwalat ni Melanie sa Fast Talk With Boy Abunda ang mga kasong isinampa niya laban kay Randy.
Kabilang na rito ang alegasyong pisikal na pang-aabuso.
Read: Melanie Marquez placed in mental and rehab facilities without consent
Mariin itong pinabulaanan ni Adam.
Read: UPDATED: Randy Lawyer strongly denies Melanie Marquez's abuse allegations
MELANIE CLAIMS SHE HAS FORGIVEN ADAM
Pero makalipas ang pitong buwan, pinatawad na ni Melanie si Randy.
Nangibabaw raw sa kanya ang pagmamahal sa pamilya at awa sa kanyang American husband.
“Caregiver niya ako ngayon,” ang pahayag ni Melanie sa Cabinet Files tungkol sa pagkakasundo nila ni Randy.
Lumambot daw ang puso niya nang makita nito ang kalagayan ni Randy nang dalawin niya ito.
Ikinuwento rin ni Melanie ang paglapit sa kanya ni Randy na may dalang mga bulaklak at lumuhod sa harap niya nang humingi ng kapatawaran.
Malaki ang kinalaman ng mga anak ni Melanie na sina Michelle Dee at Abraham Lawyer sa desisyon nitong patawarin si Randy.
Lahad ng beauty queen-actress: “Michelle and Abraham posted about his health issues.
"I think that’s their way to get my attention and stir up my compassion.
"He’s completely depending on my care, honestly speaking.”
Ano naman ang kanyang birthday wish?
Sagot ni Melanie: “My birthday wish is to be treated fair and just, with love by my husband.
“I do pray for peace, happiness, great health, and prosperity in life for my loved ones.”
Read: Angel Loscsin questions Robin Padilla after his "Komunista po ako" declaration