May mga nalilito sa spelling ng pangalan ng Kapuso actor na si Jake Vargas.
May mga pagkakataong may letrang H ang kanyang pangalan. Pero kadalasan, wala ang naturang letra sa billing ng pangalan niya sa mga TV show at pelikula.
Para mabigyan ng linaw, tinanong ng Cabinet Files si Jake sa tunay na spelling ng kanyang pangalan.
Ayon sa 34-year old actor, may letter H sa kanyang legal birth name. Pero inalis ang nasabing letra sa screen name na ginagamit niya.
JAKE VARGAS AND INAH DE BELEN'S LIVE-IN SETUP
Si Jake at ang partner nitong si Inah de Belen ang mga bisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, Hulyo 17, 2026.
Ang limang taon nang live-in set up nila ang isa sa mga napag-usapan.
Ayon kay Inah, may nangyari limang taon na ang nakararaan na hindi niya isiniwalat. Pero mismong ina raw niyang si Janice de Belen ang nagsabi sa kanila ni Jake na mag-live in sila.
Lahad ni Inah: “Something happened kasi five years ago so I think my mom just suggested.
"She’s actually the one who suggested na, ‘Ba’t hindi na lang kayo mag-live in?’
“During that time also, I was always not at home anymore. Halos every day, every week, siya [Jake] ang kasama ko.
"So, that was also the time na parang sabi ng mom ko na, ‘Why don’t you guys live together?’
“Nung una, siyempre nagulat ako. Sabi ko, 'Ha, totoo ba ito?'
“But then, leading up to that, I have already thought about it. We’re talking about it na rin.
"Pero hindi naman kami talaga nagpaplano, 'O, eto ang gagawin natin. Let’s talk to my parents about it.'
“So when she said that, parang yun na rin ang blessing niya siguro.”
Inamin ni Inah na may phobia siya noon sa kasal dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang na sina Janice at John Estrada.
Saad niya: “A few years ago, ayoko naman talaga.
"I told him this many times. I didn’t want to get married because of what happened to my parents.
"But now, medyo okay na ako. Gusto ko na.”
Read: Inah de Belen claps back at critics of live-in setup with Jake
JAKE VARGAS ON HIS PARENTS' DEATH
Parehong napaluha sina Inah at Jake nang mabanggit ang pagiging ganap na ulila ng aktor dahil sa pagpanaw ng mga magulang nito.
Pumatak ang luha ni Jake nang sabihin nito, “Gusto ko lang din mag-thank you sa kanila sa lahat-lahat ng pagmamahal simula nung...
“Actually, Tito Boy, hindi naman ako magiging mabait kung hindi dahil sa kung paano nila ako pinalaki.
"My parents kasi sobrang bait din naman po talaga, lalo na si Papa…”

Hindi na naituloy ni Jake ang pagsasalita dahil nangibabaw ang kanyang emosyon kaya sinalo siya ni Inah.
Umiiyak ding sabi ni Inah: “Si Jake kasi nakita ko yung struggle niya, especially when his father was very sick.
“Sobrang hirap talaga and he was shouldering everything. Lahat siya talaga.”
Muling pinasalamatan ni Jake ang kanyang mga namayapang magulang, kasunod ang hiling na, “Kung dumating man yung panahon na... sana makita ko sila.”
Read: Melanie Marquez forgives husband Randy Lawyer after abuse allegations