PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX stars credit Sahara Bernales for opening pageant doors

Audrey Avila calls pageant ban on sexy stars "unfair," backs Sahara Bernales.
by Jojo Gabinete
Published 4 days ago
audrey avila rinoa halili
VMX stars Audrey Avila (left) and Rinoa Halili (right) thank Sahara Bernales for becoming the first VMX artist to compete in Reina Filipinas, saying she paved the way for sexy stars in national pageants.
PHOTO/S: VMX PH Facebook / Instagram

Nagpapasalamat ang VMX stars na sina Rinoa Halili at Audrey Avila kay Sahara Bernales dahil ito ang kauna-unahang VMX artist na kasali sa isang national beauty pageant, ang Reina Filipinas.

Si Sahara ang kinatawan ng lalawigan ng Pampanga sa inaugural edition ng Reina Filipinas.

Gaganapin ang koronasyon ng Reina Filipinas sa Agosto 7, 2026 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.

Ang mga magwawagi sa Reina Filipinas ang ipapadala sa Miss Grand International at Miss Grand International All Stars.

RINOA HALILI

Si Rinoa ay pamangkin ng dating Star Circle artist na si Aurora Halili.

Marami ang nag-uudyok sa kanyang sumali sa mga beauty pageant dahil beauty-queen material daw siya.

Para kay Rinoa, isang inspirasyon si Sahara para sa VMX stars na nangangarap magkaroon ng korona at beauty title.

Saad niya: “Congrats kay Ate Sahara kasi talagang super proud kami sa kanya dahil siya ang nagbukas ng pintuan para sa aming mga sexy star na sumali sa mga prestihiyosong pageant na katulad ng sinalihan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Talagang kami, may maibubuga talaga sa mga tao. Hindi lang kami basta magpapaseksi sa harap ninyo.

"Pero when we open our mouth, the truth comes out talaga.”

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto ni Rinoa na sumali sa Miss World Philippines.

Read: VMX star Sahara Bernales explains daring Reina Filipinas gown

AUDREY AVILA

Si Audrey ang co-host ni Rinoa sa VMX’s Sex in Public, at nagpakita rin siya ng interes sumali sa mga beauty pageant.

“If may opportunity, yes po, why not?" sambit niya.

"I am so happy for Sahara kasi siya yung naging tulay para sa aming VMX artists sa pageant industry.

“So I’m looking forward for more and good luck kay Sahara.”

Gulat na gulat naman si Audrey nang malaman nitong bawal sumali noon sa mga national beauty pageant ang sexy stars.

Itinuturing niyang isang diskriminasyon ito laban sa mga kababaihan.

Aniya: "Ngayon ko lang narinig na bawal pala. I think sobrang unfair niyan for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi sa totoo lang, yung mga sexy star, sila yung mga tao na sobrang disiplinado, flexible.

“Kapag nakilala mo sila in real life, hindi lang sila nakakulong sa isang kahon.

"We have more to explore and offer kaya sana, i-maximize natin at huwag i-limit ang mga sexy actress.”

Ipinagtapat ni Audrey na nakaranas siya ng mga panghuhusga nang piliin niyang maging VMX star, pero hindi na raw siya tinatablan.

“Ang daming judgment. Super namanhid na nga ako.

"Huwag mo na lang intindihin ang sinasabi ng ibang mga tao kasi kahit sobrang buti mo, may masasabi yung iba,” sentimyento ni Audrey.

Si Audrey ay nag-aral sa isang Catholic school at Facebook friends daw niya ang kanyang teachers na madre.

“Friends ko silang lahat sa Facebook," sambit niya.

"Tapos sorry sa mga teacher ko dati, hina-hide ko sila kapag sexy ang mga post ko kasi mga sister at madre talaga sila.

“Pero kapag wholesome naman ang mga post ko, ina-unhide ko sila.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Angelica, Alexie join inaugural Reina Filipinas pageant

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX stars Audrey Avila (left) and Rinoa Halili (right) thank Sahara Bernales for becoming the first VMX artist to compete in Reina Filipinas, saying she paved the way for sexy stars in national pageants.
PHOTO/S: VMX PH Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results