“Jugjog” ang pamagat ng debut single ng VMX Hotbabes, ang singing group na binubuo ng VMX stars na sina Micaella Raz, Ataska, Christy Mae Imperial, Zsara Laxamana, Rhian Rivera, at Skye Gonzaga.
Sa pamamagitan ng "Jugjog," pinatunayan ng VMX Hotbabes na kaya rin nilang kumanta bukod sa pagpapaseksi sa VMX movies.
Ang award-winning musician na si Lito Camo ang sumulat ng lyrics at composer ng himig ng "Jugjog."
May titillating chorus ito na “Jugjugjog tayo ay yumugyog, igalaw ang katawan, sumabay sa tugtog habang tinatambol ng kaba ang dibdib, yumuyugyog.
“Jugjugjog, tayo ay yumugyog, ilabas ang pawis ng iyong katawan, sabay-sabay tayo, init pakawalan, yumuyugyog, jumujugjog.”
Ang VMX Hotbabes ang bagong henerasyon ng Viva Hotbabes, ang sexy all-female group nina Maui Taylor, Andrea del Rosario, Katya Santos, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, at Sheree noong 2003.
Ang "Bulaklak" ang hit song ng Viva Hotbabes sa Viva Records na komposisyon din ni Lito.
Read: JV Gallego, 28, dies in car crash in Bulacan
LITO CAMO NOVELTY SONGS
Si Lito ay likas na malikhain sa pagsusulat ng mga kanta na pumupukaw sa atensiyon at imahinasyon ng publiko.
Ilan sa mga kantang nilikha niya ay "Bakit Papa" ng Sexbomb; "Sana Mama" at "Jumbo Hotdog" ng Masculados; at "Otso-Otso" ni Bayani Agbayani.
Siya rin ang sumulat ng mga popular song ni Willie Revillame na "Boom Tarat, Tarat," "Pwede Ba," at ang viral song niya na "Buksan Mo."
Tulad ng "Bulaklak," ang Viva Records ang producer at distributor ng "Jugjog" na may malakas na last song syndrome kapag paulit-ulit na pinakinggan.
Read: Toni Rose Gayda asked if she was romantically linked to Vic Sotto, Joey de Leon