Tinawag na "Wedding of the Year" ng Thai media ang ikatlong beses na pagpapakasal ng superstars na sina Nadech Kugimiya at Urassaya "Yaya" Sperbund sa Dusit Thani Hotel, Bangkok, noong Hulyo 18, 2026.
Dinaluhan ito ng mga kapwa nila sikat na artista, producers ng mga pelikula at drama series, at fans.
Sa ulat ng Thairath, halos kalahati ng mga personalidad sa Thai entertainment industry ang dumalo, bumati, at nakisaya sa pag-iisang dibdib ng A-lister showbiz couple.
Kabilang sa mga Thai celebrity na namataan sa wedding reception nina Nadech at Yaya ang global superstar at BLACKPINK member na si Lisa Manoban, Mario Maurer, Mark Prin, Sunny Suwanmethanont, Bright Vachirawit, at Baifern.
Nang magpakuha si Lisa ng litrato kasama ang bagong kasal, sinabi ni Nadech kay Yaya na kinakabahan siya dahil katabi niya ang sikat na miyembro ng BLACKPINK.



Kilala at maraming tagahanga sa Pilipinas sina Mario, Mark, Sunny, at Bright dahil sa mga drama series na pinagbidahan nila na napanood sa GMA-7 at ABS-CBN.
Read: Thai superstars Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund wed for the third time
NADECH KUGIMIYA: THE ENTERTAINER
Pinasaya nang husto ni Nadech ang mga bisita nang umakyat siya sa entablado, kumanta, at tinanggal ang kanyang pang-itaas na kasuotan.
Nagpanggap si Nadech na huhubarin ang kanyang pantalon pero inawat siya ni Yaya.
Nagtawanan din ang mga bisita sa sexy dance number ng aktor.
Maraming beses hinalikan nina Nadech at Yaya ang isa’t isa na simbolo ng pagmamahal nila sa isa’t isa.
View this post on Instagram
Ang star-studded wedding nina Nadech at Yaya sa Bangkok ang pangatlong pagkakataong nagpakasal sila.
Unang ikinasal ang dalawa noong Abril 17, 2026 sa Khon Kaen, Thailand.
Read: Thai superstars Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund are now married
Muli silang nagpakasal sa Oslo, Norway, noong Mayo 22, 2026.
Read: Nadech Kugimiya, Yaya Sperbund hold second wedding in Norway