Binabalak ng Viva actress-singer na si Aubrey Caraan maghain ng pormal na reklamo dahil sa harassment na nararanasan niya mula sa isang tagahanga na diumano’y gumagamit ng iba’t ibang account.
Hindi nagbanggit ng pangalan si Aubrey pero ibinahagi nito sa social media ang mga mensahe ng panunumbat na natanggap niya mula sa tagahanga.
Saad ni Aubrey: “Ayoko na sana po itong lumabas but this is becoming out of hand na.
"Ilang dummy accts mo na nag-message sakin ang pinalampas ko pero sobra ka na po.
"I REALLY DON'T KNOW WHAT I DID TO YOU PARA MAGKAGANYAN KA.
"This has gone too far and I want to take legal action.”
Kalakip ng mensahe ni Aubrey ang screenshots ng mga nakababahalang mensahe na natanggap niya mula sa tagahanga.
Read: James Graham on unexpected coming out: "I'm still in shock."
LANCE CARR ON AUBREY CARAAN'S ORDEAL
Alam ng ka-loveteam ni Aubrey na si Lance Carr ang mga pangyayari.
Nang makausap ng Cabinet Files si Lance, siya ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa problemang pinagdaraanan ng aktres.

Saad niya: “There’s this, like, fan na paiba-iba ang account.
"Si Aubrey naman, every time na nakakabasa siya ng mga hate mail in paiba-ibang account talaga, kapag binlock niya ito, meron na naman kinabukasan, iba na naman.
“Parang it’s undeserve hate, e, like, Aubrey is one of the sweetest persons.
"Sobrang grateful niya sa fans. Sobrang undeserve hate lang talaga,”
Marami sa mga tagahanga ni Aubrey ang kinukumbinsi siyang ituloy ang pagdedemanda sa taong gumugulo sa kanya, pagkatapos nilang mabasa ang mga mensahe na ibinahagi ng aktres sa social media.
Ilan sa mga komento ng fans ni Aubrey:
“This is harassment and this should never be normalized. Public figures sila but no one should ever be treated like this. FILE A CASE.”
“This is too much!!! Aubrey, you don’t deserve this. I hope you take legal action.
"Walang dummy dummy account. Kung matapang ka, dapat magpakita ka."
Read: BLACKPINK's Lisa joins Nadech Kugimiya, Yaya Sperbund's "Wedding of the Year"