Isang media conference ang magaganap para sa full cast reveal ng Haunted Carnival, ang horror movie na official entry ng Regal Entertainmentm Inc. sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF).
Hindi lamang sina Julia Barretto, James Reid, John Arcilla, Fyang Smith, at Maricel Soriano ang mga bida sa Haunted Carnival dahil marami pang mga artistang kasali sa big-budgeted project ng Regal.
Ang Haunted Carnival ang unang pelikula ni Julia bilang freelance actress at pangalawang proyekto na pagsasamahan nila ni James.
Una silang nagkatrabaho sa Para sa Hopeless Romantic noong 2015.
Read: James Graham on unexpected coming out: "I'm still in shock."

PERFORMANCE COACH FOR HAUNTED CARNIVAL CAST
Nakausap ng Cabinet Files ang Regal producer na si Roselle Montevered ngayong Martes, Hulyo 21, 2026.
Ayon sa kanya, literal na “madugo” ang Haunted Carnival dahil sa mga malalaking eksena ng proyekto na sorpresa para sa manonood.
Sinabi rin ni Roselle na para sa lalong ikakaganda ng pelikulang mula sa direksiyon ni Joey de Guzman, kukunin niya ang serbisyo ng isang direktor na mahusay na performance coach at gagabay sa pag-arte ng mga artista ng Haunted Carnival.
“For me, para sa isang ganyan na ka-sensitive na project, gusto mo perfect lahat ang props. Very authentic talaga pati ang look ng mga artista.
“Kahit magaling ka nang umarte, kailangan pa rin ng performance coach para sa lahat. Hindi yung parang kanya-kanya sila ng acting.
“Kasi nadadala ng iba yung mga karakter nila from their previous projects.
“Kailangan ng performance coach kasi you’re supposed to work as a team. Performing as actors in a movie. You cannot just be acting for yourself lalo na kapag ensemble,” paliwanag ni Roselle tungkol sa magiging partisipasyon at kahalagahan ng isang performance coach sa pagsasapelikula ng Haunted Carnival.
Ang MMFF 2026 magsisimula sa Disyembre 25, 2026 at magtatapos sa Enero 7, 2027.
Read: Vic Sotto-Vice Ganda movie among first 4 MMFF 2026 entries