Itinanggi ng aktres na si Julia Barretto ang kumakalat umanong cryptic social media post niya tungkol sa ex-boyfriend na si Joshua Garcia.
Inakusahan si Julia na nagbura ng diumano’y Instagram Story cryptic post na ito: “fine wine comes from Juicy Grapes, but before it actually gets good, it’s always stuck being green first.”
Pinaratangan si Julia na si Joshua ang tinutukoy niyang "Juicy Grapes" dahil sa capitalized letters na JG.

Binigyan ito ng iba’t ibang kahulugan ng netizens na naghinalang maaaring may kinalaman ang deleted IG story post ni Julia sa isyung kinasasangkutan ng aktor sa kasalukuyan.
Nasa sentro ngayon ng kontrobersiya si Joshua dahil sa kanyang deleted pro-Vice President Sara Duterte post.
Umaani siya ngayon ng mga batikos mula sa anti-Duterte netizens, at idinadamay pa si Julia.
Read: Pokwang, Meryll Soriano defend Joshua Garcia over pro-Sara Duterte deleted post
JULIA BARRETTO REACTS TO FAKE INSTAGRAM STORY
Hindi basta pumapatol si Julia sa mga walang katotohanang isyu laban sa kanya.
Pero sa pagkakataong ito, siya mismo ang nagkomento sa comments section ng TikTok account na naglabas ng diumano'y inimbentong balita.
Mensahe ni Julia: “Fake news I never posted this"

Pinatotohanan sa Cabinet Files ng isang malapit kay Julia na ang aktres talaga ang nagkomento tungkol sa inilabas na fake news, na burado na ngayon.
Pero na-secure ng kampo ng aktres ang screenshot ng deleted comment ni Julia —patunay na siya ang personal na kumontra sa kasinungalingang balita.
May dahilan para umalma si Julia dahil hindi totoong naglabas siya ng IG story na may cryptic message.
Magiging kapani-paniwala ito sa paningin ng lahat kung hahayaan na lamang niya at hindi kokontrahin.
Nanindigan ang nagmamalasakit kay Julia na fake ang IG story post na pilit ibinibintang sa aktres dahil wala raw itong ginawa o isinulat na cryptic post.
Pinapaalalahanan ang lahat na maging mapanuri at maingat sa mga social media post na kanilang nababasa o nakikita para hindi sila mabiktima, lalo na't magagaling at kapani-paniwala na ang mga inilalabas na ebidensiya ng fake news peddlers.
Read: Vice Ganda claps back at Kim Chiu fans' "kacheapan"; Kim reacts