PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pag-aaway ng aktor at ng misis, humantong sa pisikalan

Aktor, nagbago ang pag-uugali dahil sa impluwensiya ng mga katrabaho.
by Jojo Gabinete
Published 21 hours ago
blind item aktor hiniwalayan ng misis
ILLUSTRATION: Chat GPT

Naniniwala at umaasa ang mga nagmamalasakit na kaibigan at kapamilya na pansamantala lamang ang paghihiwalay ng showbiz couple.

Nakipaghiwalay ang misis sa male personality dahil, sa kauna-unahan na pagkakataon, humantong sa pisikalan ang hindi nila pagkakaunawaan.

Ikinalungkot ng mga kaibigan at pamilya ng male personality ang naganap na hiwalayan.

Nasaksihan kasi nila nang personal ang pag-aasikaso at ang mahirap pantayang pagmamahal ng misis sa mister nito.

Read: Former bold star Amanda Amores denies making "pene" movies

BAD INFLUENCE

Nag-umpisa ang problema ng mag-asawa nang maging kabarkada ng male personality ang mga katrabaho niya sa isang programa sa telebisyon.

Malaki ang ipinagbago ng ugali at nagkaroon ng bisyo ang male personality dahil naging masamang impluwensiya sa kanya ang mga barkada niya.

Hindi nagkulang ang misis sa paggabay at pagbibigay ng mga paalaala sa male personality para sa ikabubuti nito.

Pero hindi siya pinakinggan kaya nabalewala ang kanyang mga sakripisyo.

Hindi matanggap ng male personality na iniwanan ito ng asawa na araw-araw niyang tinatawagan sa telepono at ginugulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May posibilidad magkabalikan ang mag-asawa.

Pero mangyayari lamang ito kung tuluyan nang magbabago ang male personality at tatalikuran nito ang mga kaibigang hindi naging mabuti dahil puro kalokohan ang itinuro sa kanya.

Read: James Graham on unexpected coming out: "I'm still in shock."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results