PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Block B's Pyo Ji-hoon figures in minor accident in Jeju Island

Pyo Ji-hoon was on vacation when he got caught in a traffic accident.
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
Block B's Pyo Ji-hoon got caught in a traffic accident in Jeju Island, but his doctors assure the public that the actor sustained minor injuries only.
Block B's Pyo Ji-hoon got caught in a traffic accident in Jeju Island, but his doctors assure the public that the actor sustained minor injuries only.
PHOTO/S: @pyojihoon_official Instagram

Nasaktan ang South Korean actor, rapper, at singer na si Pyo Ji-hoon nang matamaan siya ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada ng Jeju Island.

Nangyari ang aksidente noong Linggo, Hulyo 19, 2026, pero inilabas lamang ng South Korean media ang balita noong Miyerkules, Hulyo 23.

Sa impormasyon na ibinahagi ng Jeju Seobu Police Station, naganap ang aksidente habang tumatawid si Pyo sa Geumneung-ri, Hallim-eup road.

Nagkaroon si Pyo ng mga gasgas sa siko at tuhod. Idinaing din niya ang pananakit ng buong katawan nang dalhin siya sa ospital.

Tiniyak ng mga doktor na hindi seryoso ang mga pinsala sa katawan ni Pyo na kasalukuyang nagpapagaling kaya wala nang dapat ikabahala ang kanyang mga tagahanga.

Nag-iimbestiga na ang Jeju Island Police sa tunay na sanhi ng aksidente dahil hindi lasing ang driver at hindi ito lumabag sa mga traffic signal nang mabangga si Pyo ng sasakyan na minamaneho niya.

Nire-review na ng mga pulis ang mga CCTV footage para makita ang galaw ng sasakyan at ni Pyo ng oras na mangyari ang sakuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Senator Robin Padilla: "Sana hindi one-sided ang prosekusyon."

WHO IS PYO JI-HOON?

Si Pyo na kilala sa tawag na P.O. ang pinakabata na miyembro ng boy group na Block B, at nakilala nang husto dahil sa pagganap niya sa karakter ni Bong Geun-dae sa Netflix hit series na Teach You a Lesson.

Si Bong Geun-dae ang matalino at madiskarte na deputy director ng Educational Rights Protection Bureau.

Kinagiliwan ang mahusay na pagganap ni Pyo sa Teach You a Lesson, na magkakaroon na ng Season 2 dahil sa tagumpay nito sa South Korea at sa Netflix.

Ang South Korean actor na si Kim Mu-yeol ang bida sa Teach You a Lesson na may kinalaman ang kuwento sa bullying na nararanasan ng mga estudyante at mga guro.

Mula nang mapanood ang Teach You a Lesson sa Netflix noong Hunyo 5, 2026, hindi nawawala sa Top 10 Television Show ng nabanggit na streaming site ang K-drama action series na tinatangkilik at popular sa mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BLACKPINK's Lisa joins Nadech, Yaya's "Wedding of the Year"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Block B's Pyo Ji-hoon got caught in a traffic accident in Jeju Island, but his doctors assure the public that the actor sustained minor injuries only.
PHOTO/S: @pyojihoon_official Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results