Naglabas ng reaksyon ang award-winning director na si Erik Matti tungkol sa Facebook post ng cinematographer na si Neil Daza kaya nalaman ng publiko na may isyu sa pagitan nila.
"So much passion for making films, yet no passion to show up when it comes to labor issues," saad ni Daza kalakip ng smiling emoji.
Ipinost ito ni Neil sa Facebook noong Miyerkules, Hulyo 22, 2026, pero hindi siya nagbanggit ng pangalan kung sino ang kanyang pinatatamaan.
Pero natukoy ng mga tao na para kay Matti ang social media post ni Daza nang mag-react ang una rito.
Ibinahagi ni Matti ang screenshot ng Facebook post ni Daza, kasabay ng direkta niyang mensahe para kay Daza.
Dito binanggit ni Matti na may inihaing reklamo si Daza sa Film Academy of The Philippines (FAP).
Pero hindi niya naman idinetalye kung ano mismo ito.
“Ikaw na,” ang umpisa ng mensahe ni Matti para kay Daza.
"Ikaw na ang tagapaglaban ng industriya, Neil Daza. Ikaw na ang sukatan kung sino ang may malasakit sa pelikula at sa labor.
"Nagreklamo ka. Nagkaroon ng meeting sa Film Academy. Mabuti. Karapatan mo ‘yan. At ginagalang ko yan.
"Nakadalawang meeting na nga kayo. Tatlo dapat pero sa isa di naman kayo sumipot."
Ayon kay Matti, alam niyang siya ang pinatatamaan ni Daza sa FB post nito tungkol sa isang taong hindi sumipot sa isang usapan tungkol sa "labor issues."
Read: Viral: “Pinoy” hits back at "pickpocket" in Rome; celebs react
ERIK MATTI CLAIMS HE'S NOT NEEDED IN THE MEETING
Aware raw kasi si Erik na kakagaling lang ni Daza sa "FAP mediation" kaugnay ng reklamo nito.
Hinanap daw ni Daza si Matti pati na ang co-producer ni Matti sa Reality MM Studios na si Dondon Monteverde.
Pagpapatuloy ni Matti: "Pero hindi naman mandatory ang attendance ko sa meetings na yan. Andiyan producer namin.
"Hindi ako pumunta. Marami akong ginagawa.
"Hindi ibig sabihin noon wala na akong pakialam sa industriya.
"Ang nakakatawa, parang gusto mong sukatin ang pagmamahal ng tao sa pelikula base sa attendance sa meeting. Ganun na ba ngayon?"
Sinundan ito ni Matti ng rebelasyong matagal na umanong gigil sa kanya si Daza.
Direktang pahayag ni Matti: "Wag mo na daanin sa general statement. Alam naman ng lahat sa industriya na gigil ka sa akin. Di naman ito yung una mong hanash.
"Diretsuhin mo ako. Diretso akong tao."
Sabay maanghang niyang dagdag: "Eto diretsuhin kita. Di ko gusto ilaw mo. Medyo TV.
"Dati maganda. Ngayon di na. Yan. Diretso.
"Sinasabi ko opinyon ko sa ilaw mo. I’m sure di mo rin gusto mga pelikula ko. Ayos lang."
Read: Block B's Pyo Ji-hoon figures in minor accident in Jeju Island
ERIK MATTI DEBUNKS NEIL DAZA'S SHADE AGAINST HIM
Sabay inulit ni Matti na "hindi attendance ang sukatan ng malasakit sa industriya."
Hindi raw para husgahan siya ni Daza sa kanyang malasakit sa film industry.
"At lalong hindi ikaw ang magbibigay ng grades kung sino ang may passion at sino ang wala.
"Bawat isa sa atin may kanya-kanyang paraan ng pagtulong sa industriyang ito.
"Hindi lang ‘yung paraang gusto mo.
"At kung ang batayan mo ng pagmamahal sa pelikula ay kung sino ang present sa meeting, napakababaw naman ng standard na ‘yan."
Sabay sarkastikong dagdag niya: "May respeto ako sa’yo dahil sa trabaho mo. Kaya binaitan ko ang post na ito. Sana may respeto ka din sa akin."
Sa huli, hinamon niya si Daza na magtuos sila sa FAP.
"Tapusin na natin ito sa FAP. ‘Wag mo dalhin sa social media. May reklamo ka na nga sa FAP, may patutsada ka pa sa FB.
"Dun na natin sa FAP tapusin. Kung manalo ka sa isyu mo, e di gud. Kung manalo kami, e di sorry.”