Naglabas ng paliwanag si Senator Robin Padilla matapos umani ng batikos ang kanyang viral na pahayag na, "Sana hindi one-sided ang ating prosekusyon," sa ika-siyam na araw ng impeachment proceedings laban kay Vice-President Sara Duterte noong July 22, 2026.
Nitong madaling-araw ng Huwebes, July 23, naglabas si Padilla ng Facebook post na naka-address kay House prosecution panel head Batangas Representative Gerville Luistro upang linawin ang kanyang naging pahayag sa impeachment court.
Ayon sa actor-politician, ang kanyang naging komento ay hindi paghingi ng pabor para sa sinumang panig, kundi panawagan para sa patas na proseso.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Padilla: “Ang hustisya po ay neutral! Ang tungkulin ng prosecution (piskal) ay hindi para manalo kundi para sa katotohanan at proteksyon ng inosente.
“Ang tungkulin naman ng defense (taga-pagtanggol) ay ang pagtiyak sa karapatang pantao at balanse sa kapangyarihan.
“Sa isang modelong sistemang legal, kapwa ang pag-uusig at ang pagtatanggol ay mga itinatag na haligi upang magsilbi sa iisang layunin: ang hustisya.
“Ang hustisya ay dapat maging ganap na neutral, bulag sa mga alyansang politikal, at bingi sa mga bulong ng kapangyarihan dahil sa sandaling pumili ito ng panig, nawawalan ito ng katuturan bilang hustisya at nagiging purong pang-aapi lamang.”
Sa hiwalay na opisyal na pahayag, ipinaliwanag pa ni Padilla ang konteksto ng kanyang "one-sided" remark.
Aniya: “Iyan ang punto ko nang sabihin kong huwag maging one-sided. Hindi ito tungkol sa pagpabor sa witness o sa Senator-Judge.
"Ang hinihingi ko ay fairness.
"Bago natin alisin ang isang Senator-Judge sa pagkakataong makilahok, lalo na kung hindi naman siya convicted, gawin muna natin na ang lahat ng naaayon sa batas para marinig din niya ang kaso at magampanan ang kanyang tungkulin.”
Ang tinutukoy ni Padilla ay ang mga kapwa niya senador na kasalukuyang nakapiit dahil sa magkaibang kaso—sina Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada.
Ang isa pang kaalyado ni Robin na si Senator Bato dela Rosa ay kasalukuyang tinutugis dahil sa kasong isinampa ng International Criminal Court.
Ang tatlong nabanggit na senador ay hindi maaaring makilahok at bumoto sa isinasagawang impeachment trial.
Read: Robin Padilla questions "one-sided" prosecution in VP Sara Duterte impeachment trial
POLITICAL ANALYSTS, NETIZENS REACT
Hindi naman napigilan ng paglilinaw ni Padilla ang paglabas ng iba't ibang reaksiyon mula sa political analysts at netizens.
Isa sa mga unang nagbigay ng opinyon si political analyst Antonio P. Contreras, na nagsabing hindi umano malinaw ang naging pahayag ng senador.
Mensahe ni Contreras sa kanyang Facebook post: "Dear Robin Padilla,
"Tatlong pahinang press release para ipaliwanag ang isang pangungusap. Kung talagang malinaw ang sinabi mo, hindi mo kailangan ng legal brief pagkatapos.
"Ang problema hindi ang 'one-sided.' Ang problema, mali ang kinausap mo. Ang isyu mo pala ay tungkol sa participation ng Senator-Judges. Pero ang sinabihan mo ng 'Sana hindi one-sided ang prosecution' ay... ang prosecution.
"Para mong sinermunan ang waiter dahil maalat ang niluto ng chef.
"Tapos ngayon, ang depensa mo: witness daw at senator-judge, pareho dapat ang fairness.
"Magandang slogan. Mahinang legal argument. Magkaibang usapin, magkaibang batas, magkaibang papel.
"Sa dulo, mas mahaba pa ang paliwanag kaysa sa katwiran. At kapag kailangan ng tatlong pahina para ipaliwanag ang isang simpleng linya, baka ang problema ay hindi ang interpretasyon ng publiko. Ang problema ay ang mismong sinabi mo."
Nagbigay rin ng maikling komento si labor leader Ka Leody de Guzman.
Aniya: "Sabi nga nila. Always be a better version of yourself. Kung tanga ka kahapon. Mas tangahan mo pa ngayon."
Samantala, sinabi ni dating Tourism Secretary Rafael Alunan III na mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng pagiging neutral at pagiging impartial.
Saad niya: "Sen. Padilla should be thanked for providing learning opportunities for the public. His latest remark is that justice must be neutral to clarify or correct his earlier remark that the prosecution must be neutral.
"He's mindful enough to provide us opportunities to learn from his mistakes.
"Justice is supposed to be rendered by a judge's impartial judgement.
"As a Senator-judge, he should understand that he can't be neutral between law and lawlessness, but must be impartial concerning the personal identities or affiliations of the accused standing before the court.
"He ahould remember whenever he speaks that his role as judge is to be partial towards the law, and impartial in rendering his judgement.
"Understanding this ethical distinction can help him and his fellow-judges perform responsibly."
Ayon naman sa isang netizen: "Indeed sir, justice is ideally neutral, but the prosecution is not meant to be neutral so is the defense.
"The constitutional requirement of neutrality applies to the IMPEACHMENT COURT, whose duty is to administer justice fairly after hearing and considering both sides!"
Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ng mga tagasuporta ni Padilla ang kanyang bagong pahayag.
Read: Viral: “Pinoy” hits back at "pickpocket" in Rome; celebs react
NO. 1 IN SURVEY
Sa kabila ng mga batikos na natanggap niya bilang senator-judge sa impeachment trial, nananatiling nangunguna si Padilla sa pinakahuling Pulse Asia Research Inc. Senatorial Preference Survey para sa 2028 elections.
Isinagawa ang survey mula June 28 hanggang July 3 at July 6, 2026.
Pumangalawa lamang kay Padilla si Pasig City Mayor Vico Sotto, na umaani ng mga papuri sa kanyang pamamalakad.
Sa kabila rin ng madalas na panawagang huwag nang iboto ang mga artista, kabilang pa rin sa mga nangungunang pangalan sa survey ang entertainment personalities na sina Willie Revillame, Phillip Salvador, Mark Lapid, at Atty. Jimmy Bondoc.
Kasama rin sa listahan ng survey ang actor-politicians na sina Senator Jinggoy Estrada at dating senador Ramon "Bong" Revilla Jr., na kapwa nakakulong ngayon.
Read: Erik Matti to Neil Daza: "Diretsuhin mo ako. Diretso akong tao."