Ipinagdarasal ng mga nagmamalasakit na kaibigan ang mabilis na paggaling ng aktor na ilang araw nang nakaratay sa isang ospital.
Ang aktor ang breadwinner ng pamilya.
Hinahangaan ang kasipagan ng aktor dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga mahal sa buhay.
Lately, maraming pagsubok na pinagdaraanan ang kalusugan ng aktor.
Kilalang mabait at masayahin ang aktor kaya marami ang nagmamahal sa kanya.
Kilala rin ang aktor sa pagiging workaholic, pero kailangang-kailangan niya ng kumpletong pahinga para mapadali ang kanyang paggaling.
Read: Entertainment personality, side hustle ang pagiging sugar baby
MAKINIG SANA ANG AKTOR SA PAYO NG MGA NAGMAMALASAKIT SA KANYA
Umaasa ang mga kaibigan ng aktor na pakikinggan nito ang kanilang payo na magbakasyon muna para bumalik ang lakas at sigla ng kanyang pangangatawan.
May katigasan ang ulo ng aktor kapag may kinalaman sa mga showbiz commitment ang usapin.
Kahit mabigat ang pakiramdam, pinaiiral niya ang propesyunalismo.
Walang nakapipigil sa aktor sa pagpunta sa mga trabahong tinanggap.
Pero hindi nagkukulang ang kanyang mga kaibigan sa pagpapaalaalang maghinay-hinay siya.
Bukod sa nagkakaedad na, madalas nang nagkakaroon ng mga hamon sa kalusugan ng aktor.
Read: Pag-aaway ng aktor at ng misis, humantong sa pisikalan