Opisyal nang pinutol ni Suri Cruise, 20, ang ugnayan nito sa kanyang ama, ang Hollywood superstar na si Tom Cruise, 64.
Hindi na ginagamit ni Suri ang apelyidong Cruise.
Ayon sa ulat ng Page Six ng New York Post, Noelle at hindi na Cruise ang ginagamit ni Suri.
Ang Noelle ang middle family name ng kanyang ina, ang aktres na si Katie Holmes, 47.
Nadiskubreng Cruise na ang legal na pangalan ngayon ni Suri ay Suri Noelle nang lumabas sa public record ang kanyang voter registration sa Pennsylvania noong Oktubre 2024, sa unang taon niya sa Carnegie Mellon University.
Nagparehistro si Suri sa Allegheny County at ginamit niya ang pangalang Suri Noelle na matibay na indikasyong ito na ang kanyang legal na pangalan.
Ayon sa Page Six, kinumpirma ng mga korte sa Pennsylvania na kailangan ng mga residenteng magparehistro at gamitin ang kanilang mga legal na pangalan para makaboto.
May mga espekulasyong maaaring nagpalit si Suri ng legal name sa New York bago siya lumipat sa Pennsylvania para mag-aral sa kolehiyo.
Walang katiyakan sa eksaktong petsa ng pagpapalit ni Suri ng apelyido pero matagal na niyang ginagamit ang Noelle.
Read: Meet Mervin Dayagro and Jordan Tamayo: The Pinoys behind viral pickpocket brawl in Rome
ESTRANGED FATHER-DAUGHTER RELATIONSHIP
Matagal na panahon na ring wala nang father-daughter relationship sina Suri at Tom.
Unang napabalitang hindi ginamit ni Suri ang apelyidong Cruise sa graduation ceremony nang magtapos siya sa LaGuardia High School, Manhattan, New York, noong Hunyo 2024.
Ang paggamit ni Suri sa middle family name ni Katie ang diumano’y pagpapakita niya ng pagpapahalaga sa kanyang ina.
Pinili rin ni Suri gamitin ang Noelle para makaiwas siya sa mga paparazzi, magkaroon ng sariling identity, at bagong simula sa kolehiyo.
Sinubukan ng Page Six na kunin ang reaksiyon ni Tom tungkol sa desisyon ng kanyang anak na huwag nang gamitin ang apelyidong Cruise, pero hindi pa sumasagot ang mga kinatawan ng aktor.
Read: Say Alonzo asks for prayers after fire destroys family's restaurant