PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pepe Herrera explains viral kiss with Claudine Barretto

How did Pepe Herrera's react to his viral kiss with Claudine Barretto.
by Jojo Gabinete
Published 9 hours ago
pepe herrera caudine barretto viral kiss
Pepe Herrera on viral kiss with Claudine Barretto: “Magaan agad ang loob ko kay Claudine kasi cowboy, e. Game siya... Siguro nagulat sila dahil sobrang komportable kami."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / TikTok

Ginulat nina Pepe Herrera at Claudine Barretto ang publiko nang halikan nila sa labi ang isa’t isa sa red-carpet premiere ng Home Along Da Riles: Da Reunion na ginanap sa SM Megamall Cinema, Mandaluyong City, noong Hunyo 15, 2026.

Pinag-usapan at marami ang nagtanong kay Pepe tungkol sa nag-udyok sa kanila ni Claudine para gawin ang mapangahas na eksena dahil hindi simple o ordinaryong halikan ang ginawa nila.

Sa media conference ng pelikulang Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa nitong Martes ng hapon, Hulyo 28, nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap at tanungin si Pepe tungkol sa mapusok na halikan nila ni Claudine.

Lahad ni Pepe: “May mga kaibigan ako na minessage ako, ‘Explain yourself!'

"Mga kaibigan kong aktor, lalo na yung mga babae, si Alessandra de Rossi, sabi niya, ‘Explain!'

"Tawang-tawa lang ako. Siguro nakakagulat lang dahil hindi nila karaniwang nakikita yon sa akin.

"When you see Pepe Herrera kissing someone, and it’s Claudine!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Claudine, naalala ko, first night na nakausap ko siya sa telepono, sobrang warm na niya, ‘Baby boy!’

“First day ng shoot, eksena agad, tapos may mga pakulo siya, 'Gulatin natin si Direk Boy2 [Quizon].' Luko-luko din."

Dagdag ng aktor: “Magaan agad ang loob ko kay Claudine kasi cowboy, e. Game siya.

"Gusto mo ng gulatan tapos yung ganoong klase ng comedy na gugulatin ko yung kaeksena ko para mas natural yung reaction. May ganoong vibe akong nakuha sa kanya.

“Siguro nagulat sila dahil sobrang komportable kami."

Read: Claudine, Pepe shock crowd with real-life kiss at movie premiere

REACTION OF PEPE HERRERA'S WIFE

Ano ang naging reaksiyon ng misis at ina ng kanyang dalawang anak, ang visual artist at interior designer na si Sam Mallari, sa halikan nila ni Claudine?

Ayon kay Pepe: “Naku, maganda kung si Sam ang makausap ninyo kapag ganyan. Gusto kong naririnig ng mga tao kung gaano siya ka-cool about these things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya yung asawa na magseselos lang siya kung gago ka talaga.

“Ano siya, sobrang opposite siya. Tinatawanan lang niya kami ni Claudine.'

PEPE HERRERA ON TAKING CARE OF HIS MENTAL HEALTH

Hindi pinabulaanan ni Pepe na tumanggi siya noong tumanggap ng mga pelikula at TV series dahil sa mental health issues na pinagdaanan niya.

Pero nagbago raw ang isip nang ialok sa kanya ang Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa.

Saad niya: “I was taking a break during that time for my mental health and the best way to take a break for me was to stay in Mindoro.

“I had a change of heart. Supposed to be, nagpaalam na ako, sa Viva, sa Star Magic, sa buong production.

"Sa understanding nila kasi, very vocal naman ako about my mental health.

"So, siguro hindi mahirap sa mga tao na, ‘Nahihirapan na naman si Pepe. Baka kailangan lang niyang magpahinga.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaso nagkaroon ako ng change of heart, na-realize ko, because of my sessions with my therapist din siguro. Hindi ako nagkamali ng pagbabago ng isip.

“Malaking part po ng dosage nung tabletas, nanggaling sa pelikulang ito.”

Bukod sa maganda raw ng proyekto, kasama rito ni Pepe ang matalik niyang kaibigan na si Jerald Napoles.

Read: Maegan Aguilar speaks on inheritance; gives short update on aunt Marlene Aguilar

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pepe Herrera on viral kiss with Claudine Barretto: “Magaan agad ang loob ko kay Claudine kasi cowboy, e. Game siya... Siguro nagulat sila dahil sobrang komportable kami."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results