Hiwalay na si Yayo Aguila sa kanyang boyfriend na si Melvin Viceral, pero hindi pa nagsasalita ang aktres tungkol sa dahilan ng pagwawakas ng kanilang limang taong pagmamahalan.
Nakumpirmang tinuldukan na ng dalawa ang kanilang relasyon dahil tumanggi si Yayo na magsalita o mapag-usapan si Melvin sa kanyang guesting sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, Hulyo 28, 2026.
Hindi artista si Melvin pero may koneksiyon siya sa showbiz. Kapatid niya ang aktres na si Maricel Laxa, ina ni Donny Pangilinan.
Unang inamin ni Yayo ang relasyon nila ni Melvin sa panayam sa kanya ng Cabinet Files noong Pebrero 11, 2025.
Sabi noon ng aktres: “May boyfriend ako. Happy ako, four years na kami. Mas bata siya ng four years sa akin.
“May mga bagay na may na-experience ako sa relationship na never kong na-experience sa 25 years kong kasama, like I get to travel.”
Ang estranged husband ni Yayo na si William Martinez ang kanyang tinutukoy na "25 years" niyang kasama.
Read: Yayo Aguila, four years na ang relationship sa non-showbiz guy
YAYO AGUILA ALL PRAISES FOR MELVIN VICERAL
Marami ang nagulat sa balitang naghiwalay na sina Yayo at Melvin dahil magagandang salita ang binitiwan ng aktres tungkol sa dating karelasyon sa interbyu sa kanya ni Julius Babao noon lamang unang linggo ng Hulyo 2026.
Saad ni Yayo: “Ang gusto ko lang kay Melvin, grabe yung pag-aalaga niya sa akin na never ko naramdaman sa buong buhay ko.
“Parang ang feeling ko, 'Ganito pala maalagaan?' Napagluto niya ako, nilinisan niya yung kotse ko, lahat! Pinagsisilbihan ako.
"Parang lagi niyang sasabihin, ‘Huwag ka nang gumalaw diyan kasi alam ko sa buhay mo, sobrang busy ka. Ikaw lahat.’
“So, siya ang nagluluto, ipinagluluto niya ako. Lagi niyang gustong papakainin ako ng masarap.
"Tapos we travel together sa place na never kong napuntahan.
“Five years na kami pero may moments talaga na nag-a-adjust pa rin kami, kasi nga ang tagal kong sanay mag-isa.
"So, sanay akong ako ang gumagawa ng lahat. Walang nagdidikta sa akin."
Read: Two Pinoys recount viral fistfight with pickpockets in Rome subway