Natupad na ang mga pangarap nina Aljon Mendoza, Kaori Oinuma, at Young JV (Eduardo "JV" Kapunan III) na magkaroon ng college diploma.
Sina Aljon at Kaori ay mga alumni ng reality show na Pinoy Big Brother: Otso (Nobyembre 2018- Agosto 2019).
Sa tulong ng scholarship na ipinagkaloob sa kanila ng King of Talk na si Boy Abunda, nakatapos sila ng kolehiyo.
Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing ang kursong nakumpleto ni Aljon, 25.
Bachelor of Arts major in Psychology ang tinapos ni Kaori, 26.
Bachelor of Music major in Popular Music graduate si Young JV, 36, na nag-aral sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.
Sina Aljon, Kaori, at Young JV ay nag-aral sa Philippine Women’s University (PWU).
Natanggap nila ang kanilang mga diploma sa 103rd Baccalaureate Mass and Commencement Exercises na idinaos sa university campus sa Taft Avenue, Manila, noong Martes, Hulyo 28, 2026.
Read: Two Pinoys recount viral fistfight with pickpockets in Rome subway
PWU CLASS OF 2026
Class of 2026 ng PWU sina Aljon, Kaori, at Young JV na buong pagmamalaking ibinahagi sa social media ang kanilang mga graduation photo.
“Every sacrifice, every late night, every setback led me here,” caption ni Kaori sa graduation picture niya.
View this post on Instagram
“Kept a promise I made long ago: I graduated,” pahayag ni Aljon.
View this post on Instagram
“Late? Never. Right on time. Diploma secured," mensahe ni Young JV.
View this post on Instagram
Read: Vice Ganda surprises Wilbert Ross at sold-out concert, Hashtags reunite
ALJON AND KAORI GRATEFUL TO BOY ABUNDA
Lubos ang pasasalamat nina Aljon at Kaori kay Kuya Boy dahil ito ang tumulong sa kanilang magkaroon ng college diploma.
Pero nagkaroon lamang sila ng pagkakataong makaharap at makausap nang personal ang veteran TV host noong Marso 2026.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Aljon noong Abril 2026, ikinuwento niya: “March 2023 nang bumalik ako sa pag-aaral. Five years din po ako nag-stop.
"Thank God, sinamahan ako ni Tito Boy na maitawid, at ngayon matatapos na ako sa kolehiyo sa PWU.
“Kagustuhan ko po talagang ituloy at tapusin ang pag-aaral ko. Yan ang lagi kong ikinukuwento.
"At may mga tao sa buhay ko na sinuportahan ako, tulad ng mga magulang ko.
“Tinulungan din ako ni Sir Mico del Rosario ng Star Cinema na makabalik sa pag-aaral. Siya ang naglapit sa akin kay Tito Boy.
“Ayun, binigyan po ako ni Tito Boy ng scholarship hanggang sa makapagtapos po ako.
"Sobrang laking tulong po nun sa akin dahil hindi ko na poproblemahin ang tuition fees ko.”
Read: Aljon Mendoza parts ways with Star Magic after seven years