Plano na nina Jerald Napoles at Kim Molina na bumuo ng kanilang sariling pamilya sa 2027, halos isang taon matapos silang ikasal noong Marso 1, 2026 sa Bohol.
Bilang paghahanda sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa, lumipat na sila sa isang bahay sa Southern Manila District mula sa kanilang condominium unit sa Quezon City.
Ibinahagi ito ni Jerald sa panayam ng Cabinet Files matapos ang media conference ng Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa, ang bagong comedy movie nila ni Pepe Herrera na mapapanood sa mga sinehan simula Agosto 26.
“We’re planning to have our baby next year,” ani Jerald.
“Bubuwelo lang kami kasi this year, madaming trabaho. Kasal, trabaho, so we’re still enjoying also yung buhay naming mag-asawa.
“Recently, lumipat kami ng bahay in preparation nga sa pagbe-baby.
“Yung condo [sa Quezon City] nandiyan pa rin kasi sa south kami nakatira.
"So for most of my projects, especially Sigabo, na nasa norte at Maynila ang shoot, halfway house ko siya.”
Read: Vice Ganda apologizes over criticized It’s Showtime jokes
Jerald NAPOLES on AI issue in Sigabo
Natanong din si Jerald tungkol sa usap-usapang gumagamit umano ng artificial intelligence (AI) ang action-drama series na Sigabo, na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Para sa aktor, hindi ito dapat maging malaking isyu dahil matagal nang gumagamit ng teknolohiya ang industriya sa paggawa ng pelikula at teleserye.
Saad niya: “Nagulat ako dahil naging isyu kasi nung unang panahon, CGI [computer-generated imagery] naman ang tawag natin diyan. Yun din naman siya.
"I think a lot of movies, not just in the Philippines or projects in the whole world, gumagamit naman talaga ng AI, early stage na evident na nakikita ng mga tao, gamit ng AI especially sa social media.”
Naniniwala rin ni Jerald na hindi napapalitan ng AI ang tunay na trabaho ng mga artista.
“Actually, hindi naman nae-AI yung inaambag namin na craft o pag-arte.
“Ang nae-AI kasi siguro yung set. For example, dagdagan natin ng kurtina para lang may texture.
"E, kung walang available na kurtina on the day na nagpapadagdag, i-AI natin. Puwede naman siguro ang ganoon.
"So, parang hindi naman big deal sa akin, ha? Kung big deal sa iba, okay, valid naman.”
Read: Yayo Aguila break up with Melvin Viceral after five years together
Proud husband OF Kim Molina
Hindi naman napigilan si Jerald na ipahayag ang pagmamalaki kay Kim nang tanungin siya tungkol sa bagong bansag sa misis bilang "Dramedy Queen."
Ibinigay ito ng Viva Films kay Kim matapos ang tagumpay sa Netflix ng Wonderful Nightmare at Un-ex You, kung saan si Jerald ang leading man.
Aniya: “Gulat na gulat si Kim sa nangyari, pero deserve naman niya yon kasi I think it’s the performance also bukod sa materyal.
“Yung performance din talaga ni Kim, na-showcase naman talaga.
"Actually, ang daming bagong fans ni Kim na nagsasabi na, ‘Ngayon lang ako nakapanood ng project mo.’
“Ang gandang moniker o ang gandang katawagan yon para kay Kim. Kasi sa amin, nagsimula talaga kaming maging aktor, ako, si Kim, si Pepe [Herrera].
“So we are actors first before being a comedian, because kahit ano naman project, gagawin namin.
“And for Kim to be both effective sa comedy, na alam naman natin na sa lahat ng project niya, sa Wonderful Nightmare, meron kaming nakikita somewhere randomly, sa ibang lugar, na kapag nakita si Kim, umiiyak, kasi naalaala nila yung ginawa ni Kim sa pelikula.
“Umiiyak talaga tapos biglang yayakap kay Kim. Yun ang nangyari.
"So, I think she deserves it kung talagang nakakaapekto sa mga emosyon ng mga tao.”
Nang tanungin kung handa rin ba siyang tawaging "Dramedy King," natawa si Jerald at nagbiro: “Ready ako sa lahat ng ibibigay ninyo lalo na kung may pera, game ako diyan.
“Kung ano ang ibibigay ninyo, The All Around King?”
Read: Kim Molina reacts to being named Viva's "Dramedy Queen"