Dumalo ang ex-couple na sina Marco Gallo at Heaven Peralejo sa media conference ng Our Yesterday's Escape na ginanap sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City, noong Miyerkules, Hulyo 29, 2026.
Ang Our Yesterday's Escape ang ikaanim at huling installment ng Viva One series na University Series, na pinagbibidahan nina Jairus Aquino at Nicole Omillo.
Ngunit maliban sa pagtatapos ng serye, mas ikinilig ng kanilang mga tagahanga ang muling pagsasama nina Marco at Heaven.
Halos hindi mapatid ang hiyawan sa venue nang tanungin si Marco kung bakit tila sweet pa rin sila ng dating nobya.
“Wala. Na-miss ko lang. Okay lang ba yon? Puwede lang ba yon?” sagot niya.
Hindi pa doon natapos si Marco.
Aniya: “Puwedeng magtanong kay Heaven, na-miss mo ba ako? Madali lang naman ang sagot, oo o hindi lang, e.”
Lalong lumakas ang hiyawan ng fans ng MarVen loveteam, na patuloy na umaasang may posibilidad pang magkabalikan ang dalawa.
Nagsimula ang relasyon nina Marco at Heaven habang ginagawa ang The Rain in España noong 2023. Kinumpirma naman nila ang kanilang paghihiwalay noong Hulyo 2025.
Bago sumagot si Heaven, napansin ng lahat ang simpleng gesture ni Marco nang kumuha ito ng tissue at marahang punasan ang noo ng dating kasintahan.
Nagulat si Heaven sa ginawa ng ex-boyfriend, pero hindi rin niya itinangging nami-miss niya ito.
“Oo naman nami-miss ko din. Ilang years din kaming magkasama and, yes, na-miss ko si Marco.”
Read: Heaven Peralejo confirms breakup with Marco Gallo
Marco on working with Heaven again
Hindi rin ikinaila ni Marco na nalungkot siya sa pagtatapos ng University Series.
Naitanong din sa kanya kung, tulad ng karakter niyang si Kalix sa The Rain in España, handa ba siyang maghintay ng sampung taon para kay Luna, ang karakter ni Heaven.
Maingat ang naging sagot ng aktor.
“Siyempre sad. Ako, sad ako," sabi ni Marco.
"I think everyone here knows what happened between us. We’re ex and everything.
“To be quite honest, I would like to not to put too much pressure on that topic just because obviously as exes, we had that phase na medyo nagkakainitan kami.
"So ngayon, parang mas okay na kami, as in walang galit. Walang kahit ano."
Mensahe pa ng binata kay Heaven: “I’m happy being around you and it’s nice to work with you. So, work na lang muna tayo. Okay lang ba?
"Pero I’m happy at the state that we are now so let’s see wherever it leads.”
Read: James Reid says Issa Pressman became his "compass" after PHP150M loss
Heaven gets emotional
Samantala, hindi napigilan ni Heaven ang maging emosyonal habang binabalikan ang naging journey ng University Series.
Aminado siyang magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman niya dahil malaki ang naging bahagi ng serye sa kanilang buhay at karera.
“Sinimulan namin ang University Series without knowing na ganito siya magiging kalaki and marami kaming mapapasayang tao and maggo-grow up din with us.
“And so, feeling ko masaya and malungkot at the same time. Kasi siyempre, ito yung mga kasamahan ko na gusto ko sanang [makasama] hanggang sa pagtanda, pero ganoon talaga.
“Last book na, kailangan nang mag-bye-bye, pero grateful na ako yung napili as Luna.”
Habang nagsasalita si Heaven, tuluyan siyang napaluha.
Muli siyang inabutan ni Marco ng tissue bago siya niyakap nito, bagay na lalong nagpakilig sa mga naroon.

Nagpatuloy si Heaven sa pagbabahagi ng kanilang pinagdaanan bilang cast ng University Series.
Aniya: “Of course, you wanna make this successful, so nung mga una pa lang...
“Kasi nung nagsimula kami, nagsisimula pa lang yung Viva One. And then, nagmu-mall show kami and then talagang pinaghirapan namin.
“May times na nagma-mall show kami na ‘Oh no, walang masyadong tao.’ Ganoon yung simula namin.
"And I think, guys, kaya natin to. Kakanta tayo as in hanggang sa padami nang padami [ang mga tao].
“And then, nakikita natin ngayon na lumalaki na siya.
"Ewan ko, parang with everyone, nakapag-bond talaga. Nakagawa tayo ng memories sa isa’t isa.
“That’s why hindi ako ready na matapos lang ito kasi parang, for me, hindi pa.
“Yung pinaghirapan namin, hindi pa puwedeng matapos.”
Read: Yayo Aguila, Melvin Viceral break up after five years together