PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maricel reveals true meaning of success after 55 years in showbiz

Maricel Soriano says respect for her craft kept her career alive for decades.
by Jojo Gabinete
Published 22 hours ago
maricel soriano haunted carnival
Maricel Soriano reflects on her 55-year acting career: ”Success kasi, oo sikat ka, pero mahirap yan i-maintain, di ba? Pero kung talagang nasa puso mo yung trabaho mo at ang dedikasyon na ibinibigay mo na ibang klase rin, babalik kasi sa yo."
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

Anim na taon ang edad ni Maricel Soriano nang magsimula ang kanyang acting career noong 1971.

Itinuturing ang binansagang Diamond Star bilang isa sa pinakamatagumpay na aktres sa Pilipinas.

Mula noon hanggang ngayon, nananatili siyang aktibo, patuloy na pinagkakatiwalaan ng mga movie producer, at isa na sa mga showbiz icon ng bansa.

Ano ang nasa isip ng isang anim na taong gulang na bata noon?

Saad ni Maricel: “E, kasi iba naman ang mentalidad ko nung bata ako. Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko, may pagkain kami sa lamesa.

“Napakasuwerte ng mga bata ngayon, pero natutuwa ako kahit maraming nagsasalita nang hindi maganda tungkol sa kanila.

“Ang suwerte ko kasi kapag nagkakatrabaho na kami, wala akong nakikita dun sa mga sinasabi nila na ganito.

"Hindi ako naniniwala sa mga paninira na ginagawa nila.Hindi ako naniniwala.”

Read: Yayo Aguila, Melvin Viceral break up after five years together

SUCCESS FOR MARICEL SORIANO

Tinanong ng Cabinet Files si Maricel kung ano tunay na kahulugan ng tagumpay para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pamilya,” sagot ni Maricel.

Paliwanag niya: ”Success kasi, oo sikat ka, pero mahirap yan i-maintain, di ba?

"Pero kung talagang nasa puso mo yung trabaho mo at ang dedikasyon na ibinibigay mo na ibang klase rin, babalik kasi sa yo.

"Babalikan ka ng trabaho mo at naniniwala ako dun kasi nangyari sa akin.

“Respetuhin mo yung trabaho mo at yon, ipinagmamalaki ko ang trabaho ko. Hindi ako nahihiya kahit kanino, ito ang trabaho ko.

“Isa pa, yung samahan, gusto ko yung samahan na masaya.

"Ayokong nakikipag-usap sa taong hahatakin ka pababa.

"‘Huy, Darling, ang laki na ng problema ng bansa natin dahil nagkakalaglagan na sila dun sa Senado. Ano ba yan?'

"Ang laki-laki na ng problema, pero huwag tayong dumagdag.

“Dapat ito yung time na dapat maging happy tayo kasi hindi natin alam kung paano talaga bukas.

“Kaya bago matulog o pagkagising, naku, maraming 'I love you' ako sa mga anak ko. I love you sa mama nila, papa, lola, mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ganun dapat para, at least, mawala man tayo nang biglaan, nakapag-'I love you' tayo sa nanay natin, sa mga anak ko.”

Mahigit sa limang dekada na ang acting career ni Maricel kaya parang alam na ng publiko ang lahat ng may kinalaman sa personal at propesyonal na buhay niya.

Ano pa ang hindi alam ng publiko tungkol sa kanya na nais niyang malaman ng lahat?

“Na tao rin ako,” makahulugan at nakangiting sagot ni Maricel.

MARICEL SORIANO RETURNS TO MMFF

Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Maricel sa cast reveal media conference ng Regal Entertainment Inc. para sa Haunted Carnival, isa sa mga pelikulang opisyal na kalahok sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pero sa dami ng kanyang mga proyekto para sa mga nakaraang MMFF, hindi na ito maalaala at mabilang ni Maricel.

“Naku, hindi na! Ang dami-dami na saka laktaw-laktaw. Hindi ba tuwing Pasko na lang, nandiyan ako?” sabi ni Maricel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lala Sotto praises It's Showtime's cooperation amid MTRCB probe

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Soriano reflects on her 55-year acting career: ”Success kasi, oo sikat ka, pero mahirap yan i-maintain, di ba? Pero kung talagang nasa puso mo yung trabaho mo at ang dedikasyon na ibinibigay mo na ibang klase rin, babalik kasi sa yo."
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results