Hindi napigilan ni Angel Castro ang mapaluha sa media conference ng una niyang VMX movie na Creampie, na ginanap sa Viva Café nitong Biyernes, Hulyo 31, 2026.
Naging emosyonal ang sexy actress nang mapag-usapan ang kanyang mga lolo at lola—ang broadcast journalist na si Angelo Castro Jr., creator ng TV Patrol, at ang yumaong aktres at Marian devotee na si June Keithley, na kinilala bilang isa sa mga simbolo ng EDSA People Power Revolution noong 1986.
Ayon kay Angel, sandali lang ang panahong nakasama niya ang kanyang mga lolo at lola kaya lalo niya silang nami-miss.

Bago siya napaiyak, ikinuwento muna niyang nagulat siya nang mapanood ang kanyang lolo sa classic film na Scorpio Nights (1985) ni Peque Gallaga.
“I didn’t know nga po na yung grandfather ko, nasa Scorpio Nights pala.
"Napanood ko yung original Scorpio Nights. Sabi ko, 'Hala, lolo ko yon!” pagbabahagi ni Angel.
Inamin din ng VMX star na noon lamang niya nalaman ang malaking papel ng kanyang lola sa EDSA People Power Revolution.
Aniya: “I didn’t know that po. Akala ko po, because of my grandfather, pero yes po, nakapunta ako sa EDSA Revolution na anniversary when I was a kid.”
Read: Angel Castro shares painful truth about mom Raven Villanueva
ANGEL CASTRO MISSES HER GRANDPARENTS
Dito na naitanong ng Cabinet Files kung ano ang pakiramdam niyang maging apo ng dalawang personalidad na naging bahagi ng kasaysayan ng telebisyon at ng Pilipinas.
Hindi na napigilan ni Angel ang kanyang emosyon.
Saad niya: “Nakaka-proud po. Siyempre, saglit lang yung naging time ko na, hala…
“Saglit lang yung naging time ko with them so nakaka-proud po na nagmarka sila sa Pilipinas.”
Habang umiiyak, inamin ni Angel na madalas niyang maalala ang kanyang lola, lalo na kapag pinanghihinaan siya ng loob.
“Iyakin po talaga ako. Na-miss ko lang sila.
"Minsan po kapag nanghihina ako sa sarili ko. Siyempre may mga basher.
“I feel so disgusting. Minsan, kinakausap ko ang lola ko. Feeling ko, nandito pa siya.
"Mababaw po kasi ang luha ko. Minsan po, umiiyak na lang ako kay God," sabi niya.
Ayon kay Angel, malaki ang impluwensiya sa kanya ng kanyang lola kaya lumaki siyang madasalin.
Nagulat din si Angel nang malaman niyang apo rin pala siya ng National Artist na direktor na si Gerry de Leon.
Bukod dito, kamag-anak din niya ang singer-actor na si Janno Gibbs, kaya tila likas na sa kanilang angkan ang talento sa pag-arte.
Read: Anjo Yllana jokes about PHP3.5M fine: "Ang taas pala ng value ko."
TRAUMA FROM ONLINE BASHERS
Hindi rin ikinaila ni Angel na hanggang ngayon ay naaapektuhan pa rin siya ng bashers sa social media.
Dahil dito, sinasanay na raw niyang huwag nang magbasa ng mga komento at tuluyan na ring dineactivate ang kanyang social media accounts.
Paliwanag ni Angel: “Sine-separate ko po kung sino yung magiging parang persona po.
"Everyone that knows me po, yung production staff, alam po nila na sobrang sensitive ko.
“When it comes to showing up for work and presenting myself to the public, I have to put on a brave face.”
Nang tanungin kung saan siya pinakanaaapektuhan, inamin niyang ang masasakit na komento tungkol sa kanyang hitsura ang pinakamahirap balewalain.
“To be honest po, sa mga basher po, even though sometimes kaya ko, sometimes hindi.
"Grabe, like people would really go out of their way para malaman mo na pangit ka.
“Mga random stuff. Parang, they take time out of their way, parang hindi po nila iniisip na tao rin kami na may feelings.
“Madami po ang nagsasabi na pangit ako kaya sometimes, kapag paulit-ulit, maniniwala ka po talaga.
"So, it’s important po na you have a core group of people na naniniwala sa yo.
"Kaya when people around you believe in you, you’ll believe in yourself na rin.
“It doesn’t matter what these people are saying basta may core group ka na alam kung sino ka talaga.”
Read: PAL clarifies viral "homeless Pinoy pilot" story in Thailand is false
ANGEL CASTRO CLARIFIES "ATTITUDE" ALLEGATION
Nilinaw rin ni Angel ang naging isyu sa isang naunang press conference, kung saan binansagan siyang may attitude ng ilang netizens.
Ayon sa kanya, hindi alam ng marami na may problema siya sa mata kaya hirap siyang makipag-eye contact.
“Kasi po people think that I have a bad attitude based on the clips from the previous presscon.
"In-explain ko naman po na I couldn’t look ’coz I have eye issues.
"Ang dami pong nam-bash sa akin, ‘Kabago-bago, attitude!’
“Hindi nila nakita yung explanation ko. Nagmukha po akong maldita talaga.
"Hindi ko po talagang gusto magmukhang diva o attitude, sadyang hindi lang po ako makatingin talaga,” paliwanag ni Angel.
Read: Philippine bet Katrina Llegado is Miss Supranational 2026