PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabin Angeles, Angela Muji reveal recent gifts to each other

Angela Muji surprised the entertainment press with her answer.
by Jojo Gabinete
Published 9 hours ago
Rabin Angeles and Angela Muji reveal their gifts to each other.
Angela Muji on Rabin Angeles: "Isang tinginan lang po namin, parehas na kaming nadadala sa eksena."
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook

Humarap sina Rabin Angeles, Zeke Polina, at Angela Muji sa mga miyembro ng entertainment press sa media conference ng mid-season ng Dating Alys Perez.

Read: Rabin Angeles and Angela Muji: Made to Last

Ipinaabot nila ang pasasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik at walang sawa na sumusuporta sa kanilang Viva One hit series.

Ang sorpresa na regalo ni Angela kay Rabin ang isa sa mga napag-usapan sa ginanap na mid-season media conference at maluwag sa loob na nagkuwento ang aktor.

“Binilhan niya lang ako ng game. Palagi ko po kasing ikinukuwento sa kanya ‘yon. Sabi ko may hiniraman kami ng UFC5 game kaso kinuha na uli.

"Kinabukasan, binilhan niya ako ng UFC5. Ang bilis,” lahad ni Rabin.

Pero nagulat ang mga reporter sa sagot ni Angela kung ano naman ang ibinigay sa kanya ng kapareha niya sa Dating Alys Perez.

"Physical touch," ang sagot ng dalaga.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Angela, sinabi nito na nagregalo siya ng UFC5 game kay Rabin dahil ito ang madalas na binabanggit ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na-mention niya a few times na he wants it and plans to buy it. Initially, I wanted to get him basketball shoes, but nakabili na siya, so yung PS5 game na lang po.

"Saka nasabi rin niya na it's something that he really wants to play.

"Ibinigay ko sa kanya a few weeks ago, pina-Grab express ko po,” ang sabi ni Angela.

May rebelasyon pa siya tungkol sa larong kinahuhumalingan ni Rabin.

"I don’t have a PS5 kasi I can’t afford it, pero I play many other PC games such as Valorant, Stardew Valley, Sims 4, GTA V, etc.”

Read: Rabin welcomes Zeke as Dylan's replacement in Dating Alys Perez

ANGELA MUJIN ON CLOSENESS WITH RABIN ANGELES

Ibinahagi rin ni Angela na kumportableng-komportable na sila ni Rabin sa isa’t isa at malayo na ang narating nila bilang magkapareha sa pelikula at original series ng Viva One.

"I can say that we are at this comfortable stage na isang tinginan pa lang namin, we can already communicate kung ano yung gusto namin maiparating sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I can say it’s very healthful lalo na po onset kapag kailangan namin ng emotional at heavy scenes.

"Isang tinginan lang po namin, parehas na kaming nadadala sa eksena. I can say that we’ve come a long way lalo na po na makikita talaga natin na nag-i-struggle po kami sa mga heavy scene.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angela Muji on Rabin Angeles: "Isang tinginan lang po namin, parehas na kaming nadadala sa eksena."
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results