PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy fans fly to Bangkok for their second F Forever concert

Pinoy fans chase F4 to Bangkok after Philippine Arena reunion concert.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
pinoy f4 fans
Filipino F4 avid fans (left photo) Michie Basco and Dr. Olivia Miranda fly to Bangkok to watch Jerry Yan, Vanness Wu, Vic Chou, and Ashin perform for a second time after their Philippine Arena concert. Olivia even wore a wedding dress in hopes of catching Jerry Yan's attention.
PHOTO/S: Michie Basco / LiveNation

Hindi nakuntento ang maraming Filipino avid fans nina Jerry Yan, Van Ness Wu, Vic Chou, at Ashin dahil kahit pinanood nila ang matagumpay na pagtatanghal ng apat sa Philippine Arena noong Hunyo 27,2026, lumipad sila sa Bangkok, Thailand, para suportahan at panoorin ang dalawang magkasunod na gabi (Agosto 1 at Agosto 2) na F Forever voncert sa Impact Arena.

May seating capacity na 12,000 ang nasabing concert venue.

Sa panayam ng Cabinet Files sa F4 avid fan na si Michie Lorenz Basco, inilahad niyang maraming Pilipino ang dumayo sa Bangkok para panoorin sa pangalawang pagkakataon ang grupo na naging malaking bahagi ng kabataan nila.

michie olivia f forever concert
Michie Lorenz Basco (left) and Dr. Olivia Miranda
Photo/s: Michie Basco / LiveNation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Michie: “Marami ang nanood dahil pagdating pa lang namin sa venue, may mga naririnig na kami sa paligid na mga Pinoy na nagkakainan at nag-aabang sa pagbubukas ng gate.

"Pati sa pila, kinikilig agad sila, at halos Pinoy ang lahat ng mga nakaupo sa VIP row.”

f4 fans in bangkok
Photo/s: Courtesy of Michie Basco
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit sila nanood uli kahit napanood na nila sa Pilipinas ang F Forever concert?

Paliwanag ni Michie: “Malayo kasi ang puwesto namin nang manood kami sa Philippine Arena.

"Hindi kami masyadong nakalapit sa F4 kaya nag-try kaming manood sa ibang bansa para sa mas malapit na view.

“Since baka matagalan ang pagbalik nila sa Pilipinas, parang kulang yung time na pinanood namin sila sa Philippine Arena.

"May separation anxiety, nakaka-miss agad...

"Saka nanood kami sa Bangkok ng concert nila dahil sa kagustuhan naming makita sila uli at maramdaman yung nostalgia.

"Kahit saan sila mag-perform, yung moment na makita sila nang personal ang mas angat.”

Read: Jerry Yan speaks of a love now a memory; fans think of Barbie Hsu

f forever bangkok
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE DIFFERENCE BETWEEN FILIPINO AND THAI CONCERTGOERS

Napuna ang kaibahan ng mga Pilipino at Thai bilang concert audience.

Ayon kay Michie, “Iba talaga ang energy ng mga Pinoy. Mas interactive and receptive tayo kahit hindi natin naiintindihan.

"Nakikita pa rin sa atin ang saya kahit may language barrier.

"Sa Thailand kasi, kailangan pa ng F4 ng interpreter para maintindihan sila.”

Kasama ni Michie sa panonood ng F4 Forever concert sa Thailand ang kanyang kaibigang doktor, si Dr. Olivia Miranda, na masugid na tagahanga ni Jerry.

Pinaghandaan ni Doc Olivia ang concert ng F4 dahil wedding dress ang kanyang suot para raw mapansin siya ni Jerry na nananatiling binata sa edad na 49.

Kuwento ni Michie, “Para kay Jerry ang wedding outfit ni Olivia, parang 'Will you marry me?'

“Nakita naman siya ni Vanness dahil itinuro nito ang lugar namin.”

Umagaw ng pansin ang wedding dress ni Doc Olivia kaya nagpakuha ng litrato na kasama siya ang mga Thai at mga dayuhang nanood ng F Forever concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
f4 thai fans
Dr. Olivia Miranda (in wedding dress) with some Thai F4 fans.

Read: Vanness Wu's mystery wife revealed as Japanese singer Emi Aramaki

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino F4 avid fans (left photo) Michie Basco and Dr. Olivia Miranda fly to Bangkok to watch Jerry Yan, Vanness Wu, Vic Chou, and Ashin perform for a second time after their Philippine Arena concert. Olivia even wore a wedding dress in hopes of catching Jerry Yan's attention.
PHOTO/S: Michie Basco / LiveNation
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results