Nanibago ang entertainment press kay Barbie Forteza nang humarap sya sa media conference ng pelikulang Saving Cherry nitong Lunes ng hapon, Agosto 3, 2026.
Ito ay dahil sa kanyang sophisticated look na may kaugnayan sa karakter na ginampanan niya sa pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na ipalalabas sa mga sinehan simula sa Setyembre 2, 2026.
Ang Shake, Rattle & Roll 9, official entry sa Metro Manila Film Festival 2007, ang unang proyekto ni Barbie sa Regal.
Kaya ang Saving Cherry ang itinuturing niyang comeback movie sa nabanggit na movie company.
Read: Diego Loyzaga explains co-parenting setup with ex-partner Alexis Suapengco
"WILDEST VIRGIN"
“Wildest virgin” ang pagsasalarawan ni Barbie sa kanyang wild role sa Saving Cherry na kakaiba sa lahat ng mga dating karakter na ginampanan niya.
Saad ng Kapuso actress: “I play the role of Cherry. Ang role ko po dito ay I am the wildest virgin you would ever see.
“She is the wildest woman I ever portrayed to date. Siya yung wildest and most freeing.
"Lahat yon ipinagpapasalamat ko kay Direk Ivan [Payawal] kasi, not just yung role pero yung freedom of approaching every scene.
“Binigyan niya kaming lahat ng buong laya as to how we understood every scene. Nakinig siya sa amin. He is really a good captain.
“In-unleash ko lang yung wild side ko. Wow!
"Yun lang, actually ang saya kasi aminin naman natin, hindi naman lahat kapag mabait, mabait.
"So, hindi ko rin akalain na meron din akong ganoong side. Wild pero may dahilan, may lalim.
"And most of all, so para ito yung most mature role ko ‘coz we will tackle about marriage, e.
"Ito yung role ko na kasal na ako agad-agad."
May kaugnayan sa pagtataksil ang kuwento ng pelikula na pinagbibidahan ni Barbie.
Matapang na “F*ck no!” ang reaksiyon ni Barbie sa tanong na “Do cheaters deserve a second chance?”
BONDING AFTER LOOK TEST
Sina Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, at Mika Salamanca ang mga gumaganap na kaibigan ni Barbie sa Saving Cherry.
Si Khalil Ramos naman ang asawa niya sa pelikula.
Para maging komportable at makilala nang husto ang isa’t isa, niyaya ni Mikee sa bahay niya sina Barbie, Sassa, AC, at Mika pagkatapos ng look test nila para sa Saving Cherry.
Nag-inuman sila at dito nag-umpisa ang kanilang malalim na pagkakaibigan.