Hindi lamang artista ng VMX ang sexy actor na si Mark Dionisio dahil line producer na rin siya ng mga pelikula.
Ang Barurot, Sulutan, Sundutan, Kesong Puti, Kikirot-Kirot, Booking, at Creampie ang ilan sa mga proyekto ni Mark sa VMX bilang line producer.
Itinuturing niyang passion ang pagiging line producer dahil sa kagustuhang maabot ang kanyang mga pangarap at makatulong sa mga baguhang artista.
Naisip ni Mark na subukan ang pagiging line producer ng pelikula dahil sa kanyang kaibigan at kapwa VMX actor na si Chester Grecia.
Tinulungan din si Mark ni Rodante “Roe” Pajemna Jr., ang direktor ng Creampie na pinagbibidahan nila ni Angel Castro.
Lahad niya: “Nagka-idea ako dahil may isa akong co-actor, si Chester Grecia, line producer din siya sa VMX kaya sinubukan ko.
“Kinausap ko si Direk Roe. Sabi ko, ‘Direk, gawa tayo ng concept.’
“Dun na nag-start kaya kadalasan ang ka-collab ko, si Direk Roe. Kino-consult ako ni Direk, pini-pitch niya sa akin.
"Pinag-uusapan namin kung meron akong gustong baguhin.”
Read: Eat Bulaga! marks 47th anniversary with Kalyeserye, talent search reunions
VMX LINE PRODUCER
Masidhi ang kasiyahang nararamdaman ni Mark sa kanyang mga responsibilidad bilang line producer ng mga pelikula ng VMX.
“Ang pinakagusto ko, nakakatulong ka, nakakapagbigay ka ng trabaho sa mga tao at nabibigyan mo ng opportunities ang mga bagong artista.
"Saka more jobs for our team kaya medyo nawili po ako,” saad niya.
Kinuha ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Mark sa aming pananaw na hindi madali ang maging line producer ng pelikula dahil sa mga problema sa produksiyon na hindi naiiwasan.
“Nasanay na," sambit niya.
"May challenges pero kapag gusto mo ang ginagawa mo at passion mo, parang okay po lahat.
“Sa small company ko, ang POTZU Bros., parang ako yung executive producer, meron akong line producer.
"Pero sa VMX, ako yung line producer.
“This August, dalawa ang gagawin ko, Bagong Isla saka Threesome, si Angel Castro ang bida.”
Matunog na "Kuya" ang tawag sa kanya ni Angel dahil nagkasama na sila sa mga TV program noong Claire Castro pa ang screen name ng sexy star na binansagang "VMX Premium Crush."

Ayon kay Mark, “Dati na kaming magkakilala, ang last project namin together, yung Makiling, teleserye ng GMA-7.
“But before that, nakasama ko na siya sa Tadhana at Pepito Manaloto."
Read: VMX star Angel Castro gets emotional over late grandparents