PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Spider-Man screenings abroad marred by bizarre theater incidents

Spider-Man: Brand New Day brings moviegoers back to PH cinemas.
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
tom holland spider-man brand new day
Spider-Man: Brand New Day screenings abroad went viral after bizarre incidents in Colombia and India. A foul odor forced moviegoers to evacuate a theater in Cartagena, while a spoiler-sharing fan sparked a fistfight during a screening in India.
PHOTO/S: Sony / Marvel

Pinasigla ng Spider-Man: Brand New Day ang matamlay na negosyo ng mga sinehan sa Pilipinas dahil tinangkilik at pinilahan ng mga Pilipino ang pelikula ni Tom Holland.

Sa ulat ng Box Office Mojo, US$9.388 million (PHP571.963 million sa Philippine currency base sa exchange rate na PHP60.925 sa bawat isang dolyar) ang overall gross ng Spider-Man: Brand New Day mula nang magbukas ito sa mga sinehan sa Pilipinas noong Hulyo 29, 2026 hanggang Agosto 2, 2026.

Tiyak na nadagdagan ang kita ng Spider-Man: Brand New Day nang sumunod na mga araw dahil patuloy na pinipilahan sa mga sinehan sa Pilipinas, pati na sa ibang panig ng mundo, ang pelikula ni Tom.

Nasaksihan ng Cabinet Files ang mahabang pila sa box office ng mga sinehang dating sarado pero binuksan para makapasok ang mga sabik na mapanood ang Spider-Man: Brand New Day.

Dati-rati, sarado at tahimik na ang mga sinehan pagdating ng 8:30 P.M. Pero dahil sa Spider-Man, muling nagkaroon ng mga midnight screening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi maiiwasan ang mga problema dahil sa mga reklamong delayed o naantala nang matagal ang pagpapalabas ng pelikula sa ibang mga sinehan.

Matagal na naghintay ang mga taong may mga daing na hindi sila nabigyan ng mga popcorn na kasama sa mga binayaran nila.

Iba-iba rin ang presyo ng tiket sa mga sinehan dahil may PHP410, PHP500, at PHP640.

Read: Spider-Man: Brand New Day posts massive PHP587M in just five days

BIZARRE SPIDER-MAN: BRAND NEW DAY SCREENINGS

Kung ang delayed screening sa ilang mga sinehan ang reklamo ng manonood sa Pilipinas, iba naman ang eksena sa India at sa Colombia.

Ayon sa ulat ng New York Post, isang screening ng Spider-Man: Brand New Day sa Cartagena, Colombia, ang kinailangang i-evacuate matapos umanong umutot nang matindi ang isa sa mga manonood.

Nangyari umano ang insidente noong Agosto 2 sa Cine Colombia multiplex sa loob ng Plaza Bocagrande shopping center.

Ayon sa report: “A Spider-Man screening in Cartagena, Colombia was evacuated after one of the audience members suffered from an extreme fart attack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The gas leak occurred on August 2 on Spider-Man: Brand New Day at the Cine Colombia multiplex inside the Plaza Bocagrande shopping center.

“The theater-goer’s proverbial Pumpkin Bomb filled the darkened auditorium with a horrible odor, prompting audience members to flee their seats in disgust.”

Dahil sa matinding amoy, napilitang lumabas ng sinehan ang daan-daang moviegoers.

Sa viral videos na kumalat online, makikitang nagtipon ang mga nanonood sa hallway ng mall habang hinihintay ang susunod na mangyayari. May isa pang nakasuot ng Spider-Man costume na kasama sa mga naglabasan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa sa report: “Hundreds of film fans were reportedly evacuated into the hallway. Footage shows the aghast film fans milling about in the corridor alongside someone dressed in a Spider-Man suit.

“While the screening was not officially canceled, droves of viewers decided to leave before the end credits on account of the stench.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy kung sino ang pinagmulan ng insidente.

May mga ulat na nagsasabing posibleng may nagpasabog ng stink bomb bilang prank, habang may iba namang naniniwalang may isang moviegoer na hindi na nakarating sa banyo sa tamang oras.

“As of yet, the culprit has not been identified, although reports claimed they either detonated a stink bomb as a prank or didn’t make it to the bathroom in time.”

Viral naman ang video ng pagsusuntukan ng mga kalalakihan sa loob ng isang sinehan sa India dahil nainis ang apat na magkakaibigan sa lalakeng panay ang kuwento sa kasama nito sa mga susunod na mangyayaring eksena sa Spider-Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat ng The Indian Express, pinanood ng lalaki ang Spider-Man sa ikalawang pagkakataon.

Hindi nagustuhan ng magkakaibigan ang malakas ang boses na pagbibigay niya ng spoilers sa kanyang kasama.

Nagkaroon ng pagtatalo ang magkabilang panig at humantong ito sa suntukan na nagresulta sa pagkakagulo sa loob ng sinehan.

Read: Alex Eala makes history with first WTA title for the Philippines

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spider-Man: Brand New Day screenings abroad went viral after bizarre incidents in Colombia and India. A foul odor forced moviegoers to evacuate a theater in Cartagena, while a spoiler-sharing fan sparked a fistfight during a screening in India.
PHOTO/S: Sony / Marvel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results