Noon pang Abril 15, 2026 namayapa ang Filipino-American actress na si Mary Rivera sa edad na 82, pero ngayon lamang napag-uusapan ang kanyang pagpanaw.
Ito ay dahil sa tagumpay sa takilya ng Spider-Man: Brand New Day, ang pelikula ni Tom Holland na nagbukas sa mga sinehan sa Pilipinas noong Hulyo 29, 2026.
Si Mary ang gumanap na lola ng kapwa Fil-Am actor na si Jacob Batalon sa Spider-Man: No Way Home na ipinalabas sa mga sinehan noong Disyembre 2021.
Ginagampanan ni Jacob ang karakter ni Ned, ang matalik na kaibigan ni Peter Parker na binigyang-buhay naman ni Tom.
Binawian ng buhay si Mary sa Mililani City, Oahu, Hawaii.
Nakasaad sa kanyang obituary: “She was born on June 2, 1943 in Iloilo, Philippines to the late Vicente and Felicia Egida. Mary was a retired Missionary for the church.
"She was also cast in the last Spider-Man movie, Spider-Man: No Way Home, as the Filipino grandmother, she was very proud of this accolade.”
Read: Mary Rivera enough reason for Pinoys to watch Spider-Man
PROUD FILIPINA IN A SPIDER-MAN MOVIE
Malaking karangalan para kay Mary ang pagganap nito bilang lola ng karakter ni Jacob sa Spider-Man: No Way Home.
Bukod sa ipinagmamalaki niya ang pelikula, pinarangalan siya ng state Capitol para sa papel na kanyang ginampanan.
“It was a rare privilege for me, a simple Filipina, to be featured in a Hollywood movie.
“I wanted to bring some pride to my homeland of the Philippines because I thought wow this is Disney. This is Marvel. So, yes I will audition for it,” pahayag ni Mary sa isang panayam nang matanggap niya ang parangal na ipinagkaloob sa kanya noong Abril 2022.
Libu-libo ang lumahok sa auditions para sa gaganap na lola ni Ned, at si Mary ang mapalad na napili.
Sa orihinal na kuwento, walang dialogue ang karakter ni Mary.
Pero nabigyan siya ng linya sa eksena niya sa Spider-Man: No Way Home, isang karanasan na kanyang pinahahalagahan.
Read: Alex Eala makes history with first WTA title for the Philippines