Ang Filipino-Kiwi pageant veteran na si Aaron Beau Davis ang nagwaging Mr. World Philippines 2026 sa koronasyong ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City, noong Linggo, Agosto 2, 2026.
Kinatawan ni Aaron ang lalawigan ng Albay.

Pero nabahiran ng kontrobersiya ang kanyang tagumpay dahil sa paniniwala ng iba na higit karapat-dapat manalo ang itinanghal na first runner-up, ang events host na si Sean Kyle Ortega ng Quezon City.
Ayon sa ibang pageant enthusiasts, si Sean ang nagbigay ng pinakamatalinong sagot sa Q&A segment ng patimpalak at nagpamalas ng kumpiyansa sa sarili.
Nakadagdag sa kontrobersiya ang Facebook post ni Sean noong Lunes, Agosto 3.
“San nag kulang?” post niya na tila pahiwatig na hindi siya kuntento sa first runner-up win niya.

May mga lumabas ding videos na kuha pagkatapos ng announcement ng winners kung saan kitang-kita sa mukha ni Sean ang disappointment.

May mga nagtanggol kay Sean at nagsabing siya ang dapat nanalo.
Pero may mga bumatikos din sa kanya dahil sa social media post niya.
Read: Philippine bet Katrina Llegado is Miss Supranational 2026
SEAN KYLE ORTEGA
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, inamin ni Sean na malungkot siya sa resulta, pero pinahahalagahan daw niya ang puwestong nakamit sa men’s pageant na kanyang sinalihan.
May sagot din si Sean sa netizens na pinararatangan siyang nagparetoke ng mukha na isa umano sa dahilan kaya hindi niya nakuha ang titulong Mr. World Philippines 2026.
Saad niya (published as is): “Guys please understand, I am thankful — IMMENSELY THANKFUL to the ORG. and sir ALV for this opportunity and my placement.
“I am sad yes, and magkakaiba tayo ng pag-proseso siguro ng emosyon. This was simply a self-reflection on my end kasi s’yempre gusto ko din mag- improve.
“I congratulated the winners, ‘di n’yo man nakita but that doesn’t invalidate that I did. Sobrang laking bagay ng 1st runner- up kung alam n’yo lang. Thank you pa din sa supporta.
“Ps — ilong lang po pinagawa ko tigil n’yo na ‘yung 'masyadong retokado."
Binanggit pa ni Sean ang pangalan ng doktor na nag-ayos sa kanyang ilong.
Iginiit din ni Sean na karapat-dapat manalo si Aaron.
Second runner-up sa Mr. World Philippines 2026 si Christian Villarin.
Mr. Universe Philippines 2026 si Logan Culp.
Mr. Globe Philippines 2026 si Paris Cabuco.
Mr. Model International Philippines 2026 si Wendell Oliver Pamfilo.
Master of the World Philippines 2026 si Kristoffer Alexei Cruz.
Mr. Interglobal Philippines 2026 si Alex Herberich.
Mr. Tourism Philippines 2026 si Christian Manalo.
Mr. Glamour Look Philippines 2026 ang indie actor na si Jesus Guinto.
Ang ALV Pageant Circle ng talent manager na si Arnold Vegafria ang franchise holder at organizer ng Mr. World Philippines.
Read: Alex Eala makes history with first WTA title for the Philippines