PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeremiah Rosales' wife Jhen admits affair during his rehab stay

Jhen Go: "Matagal na po natapos ang affair ko. Nagka-counseling din po kami.”
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
jhn go jeremiah rosales
Jhen Go admits cheating on husband Jeremiah Rosales while he was in rehab: “Sinulatan niya po ako na nakikipaghiwalay na siya. Na malaya na raw akong gawin ang mga gusto ko. Galit siya sa akin dahil pina-rehab siya. Parang nung nabasa ko po ang letter niya, naurat ako sa kanya, e, di nakipag-date ako agad. Alangan mag-iiyak ako at magmukmok sa bahay.”
PHOTO/S: Facebook

Trigger Warning: Mention of extramarital affair

Nakabalik na sa kanilang tahanan sa Antipolo City si Jeremiah Rosales, ang nakababatang kapatid ng aktor na si Jericho Rosales.

Ito ang kinumpirma ng asawa niyang si Jhen Go sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files nitong Martes, Agosto 4, 2026.

Iniulat noong Hunyo 2026 na umalis si Jeremiah sa kanilang bahay matapos umanong tumangging muling ipasok sa rehabilitation center para gamutin ang kanyang bisyo.

Noong Hunyo 26, natukoy ang kanyang kinaroroonan.

Pagkatapos nito, ipinabura ni Jericho kay Jhen ang social media appeal nito na humihingi ng tulong sa paghahanap sa kanyang asawa.

Ngayon, ibinahagi ni Jhen sa Cabinet Files na noon pang Hulyo 25 nakauwi si Jeremiah, bagamat hindi nila ito inaasahan.

“Last week po, bumulaga siya sa bahay namin. Hindi po namin alam na uuwi siya dahil wala kaming communication," saad niya.

Ayon kay Jhen, determinado ang asawa niyang magsimulang muli.

“Magbabago na raw po siya at nakikita ko naman po na may pagbabago sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

'Hindi na po siya ipapasok sa rehab pero mino-monitor po namin kung talagang hindi na siya mag-take ng substance.”

Dagdag pa niya, may eksklusibong panayam si Jeremiah kay Julius Babao kung saan inilahad nito ang kanyang pinagdaanan.

Ayon din kay Jhen, sumailalim umano sa drug test ang kanyang asawa bilang patunay na wala na itong bisyo.

Read: Jericho Rosales' brother Jeremiah found after five days in hiding

JHEN GO AFFAIR REVEALED

Kasabay ng pagbabalik ni Jeremiah sa kanilang tahanan, may isa pang sensitibong isyu na ngayon ay lantad na rin sa publiko.

Sa unang pagkakataon, inamin ni Jhen na nagkaroon siya ng relasyon sa ibang lalaki habang nasa rehabilitation center sa Pasig City ang kanyang asawa.

Aniya, isa ito sa mga isyung tinalakay ni Jeremiah sa panayam nito kay Julius Babao.

“Hindi pa po kami okay kasi nga po may issue po kami na sinabi naman ni Jeremiah sa Julius Babao Unplugged.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagka-affair po kasi ako sa iba habang nasa rehab si Nuki [palayaw ni Jeremiah].

“Kalalabas pa lang niya tapos ibabalik lang po namin. Yung po talaga ang reason ng relapse niya.

“Since inilantad naman po niya sa Julius Unplugged, wala na po akong magagawa.”

Ibinahagi ni Jhen ang mga pangyayari kung bakit nakipagrelasyon siya sa ibang lalake habang nasa loob ng rehab ang kanyang asawa.

Lahad niya: “No communication kami for three months, as in wala.

“Sinulatan niya po ako na nakikipaghiwalay na siya. Na malaya na raw ako na gawin ang mga gusto ko.

“Galit siya sa akin dahil pina-rehab siya.

“Parang nung nabasa ko po ang letter niya, naurat ako sa kanya, e, di nakipag-date ako agad. Alangan mag-iiyak ako at magmukmok sa bahay.”

Sa panayam ng Cabinet Files noong Hunyo 27, ikinuwento ni Jhen ang marital problems nila ni Jeremiah at kung paano ito naging ugat ng tensiyon nila ni Jericho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng pahayag niya: "Pinagbibintangan nilang may boyfriend o lalake raw ako, e, wala naman.

"May bisyo po kasi ang kapatid niya kaya tamang hinala. Ultimo nagde-deliver ng mineral water at TikTok rider..."

Read: Jhen Go opens up about alleged conflict with Jericho Rosales

RELATIONSHIP WITH JERICHO

Tinanong din ng Cabinet Files si Jhen kung kumusta na ang relasyon niya ngayon sa kanyang bayaw na si Jericho.

Aminado siyang nananatili pa rin ang tampo ng aktor sa kanya.

Saad niya: “Ang pinaka-issue sa akin ni Kuya ;Jericho], niloko ko raw ang kapatid niya kaya dapat na iwan na ako ni Jeremiah.

“Mahal po ako ni Jeremiah. Ayaw niya po na maghiwalay kami.

“Saka matagal na po natapos ang affair ko. Nagka-counseling din po kami.”

Nilinaw rin ni Jhen na alam niyang ilalabas ni Jeremiah sa interview ang tungkol sa kanyang naging affair.

“Ipinaalam niya naman po sa akin. Sabi ko, ‘Kung yan ang magpapagaan ng loob mo, sige ready ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre po maba-bash ako pero yun po kasi talaga ang totoong nangyari na itinatago ko, kaso nilantad naman po niya.

“Alam naman po yon ng kids and family ko," aniya.

JHEN GO DENIES AFFAIR WITH ANGILLYN GORENS' BROTHER

Pinabulaanan naman ni Jhen ang mga tsismis na ang lalaking nakarelasyon niya ay kapatid ni Angillyn Gorens, ang dating partner ng komedyanteng si Buboy Villar.

“Hindi ko po siya karelasyon," diin niya.

“Nakakasama ko lang po siya palagi nung panahon na nasa rehab si Nuki.

"Kasama ko siya lagi na kumakain, roadtrip, at gala mula gabi hanggang umaga. Pinagselosan po siya ni Nuki.

“Bata din po kasi yon. Around 20s at ako ang pumasok sa buhay niya habang nasa rehab si Nuki."

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.

Read: Ruru Madrid explains why he now respects brother-in-law Kai Sotto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhen Go admits cheating on husband Jeremiah Rosales while he was in rehab: “Sinulatan niya po ako na nakikipaghiwalay na siya. Na malaya na raw akong gawin ang mga gusto ko. Galit siya sa akin dahil pina-rehab siya. Parang nung nabasa ko po ang letter niya, naurat ako sa kanya, e, di nakipag-date ako agad. Alangan mag-iiyak ako at magmukmok sa bahay.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results